"Manong sa greenhills, De Luna Condominium po!" Wika niya sa driver. Ipinatong niya ang supot ng pagkain sa kanyang hita. "Ihahatid kita sa condo at gagamutin ko lang ang sugat mo. Uuwi din ako agad!" Baling niya kay Dexter. "Bakit mo ako binalikan?" "Pwede bang magpasalamat ka na lang?" Aniya sa may diin na salita. "Thank you then!" Hindi na siya umimik. Nanatili siyang tahimik sa ilang minuto na bniyahe nila mula ortigas papuntang greenhills. As they reached de luna condominium ay agad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas. Natigil siya ng makita si Dexter sa bungad mismo ng pintuan ng sasakyan, halos ma bangga pa siya sa malapad nitong dibdib. "Bakit?" Takang tanong niya. "I was– I was–" Napakunot siya ng noo. Kanina pa 'tong pesteng 'to nabubulol, nangyari? Kunot no

