He sent a message to Savannah telling her that he is done bathing. Wala pang ilang segundo at nakatanggap na siya ng reply. Savannah told him na magkikita sila sa labas ng room nina Drake. "Dude, mauna na ako. Hihintayin na lang kita sa restaurant sa baba." Ani niya kay Brixton. "Hintayin mo ako. Sandali lang 'to." Ganting sagot nito mula sa banyo. Minamadali siya nitong umalis kanina dahil sa kagustuhang makita ang mga anak ni Drake. Ngunit biglang gustong gumamit ng toilet. Napangiti siya. Ano kaya ang na kain ng damuho at tila sumasakit ang tiyan? "Hihintayin kita sa labas. Bilisan mo na lang diyan." Ani niya sabay na mabilis na lumabas ng silid. Halos magkasabay pa silang lumabas ng silid ni Savannah dahil nasa katabing silid lang naman ang silid na inuukupa ng mag-asawang Drake

