CASSANDRA'S POV
"Sandra, bakit hindi na naman maipinta 'yang mukha mo?" tanong sa akin ni Glen.
Si Glen ang matalik kong kaibigan na isang bakla.
Napabuntong-hininga ako nang muli kong maalala ang mga sinabi sa akin ng aking ina na nag-aaksaya lang daw ang tatay ko ng pera sa pagpapaaral sa akin.
Bata pa lang ako ay nakakatikim o nakakarinig na ako ng masasakit na salita mula sa aking mga magulang lalong-lalo na mula sa aking ina na walang mabuting anak para sa kanya kung 'di ang aking kapatid.
"Oh, bakit 'di ka makapagsalita?" muling tanong sa akin ng aking kaibigan na siya rin ang sumagot. "Alam ko na! Pinagsalitaan ka na naman ng nanay mo nang 'di maganda 'no?" wika ng aking kaibigan habang nakataas ang kanyang mga kilay.
Tumango ako. "Oo," matipid kong tugon sa aking kaibigan.
"Eh, ano naman ang sinabi niya sa 'yo? Para magpaapekto ka nang ganyan?!" mataray na tanong ni Glen.
Huminga muna ako nang malalim Bago muling magsalita. "Sabi niya sa akin, hindi ko na raw kailangang mag-aral kasi nag-aaksaya lang ng pera si daddy para sa pag-aaral ko."
Napamulat ng mga mata si Glen nang marinig niya ang sinabi ko.
"Ano? Pinagkakaaksayahan ka lang ng pera? Eh, obligasyon nilang pag-aralin ka bilang mga magulang!" Napailing si Glen at muling nagsalita. "Alam mo? Hindi ko alam kung anong utak mayroon ang nanay mo! Kasi halos lahat ng magulang na kilala ko, eh, pangarap nilang mapatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Ibang klase rin 'yang nanay mo!" mahabang litanya ng aking kaibigan na sinang-ayunan ko.
Minsan, kapag pinagsasalitaan ako ng aking ina, gusto ko siyang tanungin kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya, dahil kahit kailan ay hindi ko naramdaman na mahal niya ako bilang isang anak.
Tanda ko noong mga bata pa kami palaging si Ate Charmaine ang matalinong mag-aral para sa kanya. Kahit na ang totoo'y ako ang gumagawa ng mga assignment nito. Dahil tamad mag-aral ang ate ko. Pero siya pa rin ang matalino, at ako ang bobo para ina namin.
"Alam mo, besh, minsan tinatanong ko ang sarili ko kung ampon ba ako ng mga magulang ko," pagtatapat ko sa aking kaibigan.
"Naku, Besh! Malabong maging-ampon ka! Dahil ikaw ang girl version ng tatay mo, no! Ang sabihin mo… baliw ang nanay mo!" pagtutol ng aking kaibigan sa sinabi ko.
Ngumiti ako nang pilit nang dahil sa sinabi ng aking kaibigan. Dahil ang pagiging xerox copy ko sa aking ama ang tanging pinanghahawakan ko na isa akong Montero.
Huminga nang malalim si Glen at pagkatapos ay niyakap niya ako. "Besh, huwag mo nang isipin ang mga sinasabi sa 'yo ng nanay mo. Basta patunayan mo sa pamilya mo at lalong-lalo na sa nanay mo na hindi sayang ang perang ginagamit nila sa pag-aaral mo," payo sa akin ni Glen.
Mga bata pa lang kami ay magkaklase na kami ni Glen hanggang sa naging mabuti kaming magkaibigan na tanging ako lang ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao dahil ayaw na ayaw ng kanyang ama na sundalo sa mga bakla. Kaya sa harapan ng iba at ng kanyang pamilya ay lalaking-lalaki siya. Kaya nga maraming nag-aakala na magnobyo kaming dalawa dahil sa pagiging sweet naming dalawa. At si Glen na rin ang naging sandalan ko sa mga problema ko sa buhay. Dahil kay Glen ko naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya dahil para na kaming magkapatid na dalawa.
Habang magkayakap kaming magkaibigan ay biglang tumili si Glen. "Besh, 'yong crush mo!"
"Ha!" tanging nasabi ko at mabilis akong kumawala sa pagkakayakap niya sa akin at pagkatapos ay nilingon ko ang lalaking tinutukoy ni Glen.
Halos lumundag ang puso ko nang makita ko si Marco Dela Costa, ang sikat na varsity player dito sa campus namin. Ahead sa amin si Marco ng tatlong taon at sa pagkakaalam ko ay kaklase siya ng ate ko. Graduating na si Marco habang kami ay nasa fresh man pa lang ni Glen. Tanging si Glen lang ang nakakaalam nang pagtingin ko kay Marco. Kaya sa tuwing nakikita niya ito ay palagi niya akong hinahanap upang dalhin sa huli. Ngunit parang nadurog ang puso ko nang makita kong lapitan niya ang ate ko at akbayan. Gusto tumulo ng mga luha ko dahil sweetness ni Marco sa aking kapatid.
"Oh, oh!" tanging nasabi ni Marco nang dumaan sa harapan namin ang dalawa na mas nagpalungkot sa akin dahil ni hindi man lang ako pinansin ni Ate Charmaine at parang sinugatan naman ni Marco ang aking puso.
Napabuntong-hininga ako nang pumasok sa isip ko ang posibleng relasyon nang dalawa. Pero bakit sa dinami-dami ng lalaki'y si Marco pa talaga na matagal ko nang hinahangaan at lihim na minamahal.
"Besh, okay ka lang?" tanong sa akin ni Glen.
Tumango ako at ngumiti. "Oo," pagtanggi ko, ngunit ang totoo'y gusto ko nang umiyak.
Dalawa lang kaming magkapatid ni Ate Charmaine, ngunit kahit kailan ay hindi ko naramdaman ang may kapatid, dahil katulad din siya ni mommy kung makitungo sa akin. Nagiging mabait lang sa akin si Ate Charmaine kung may kailangan siya sa akin.
Ngumiti na parang aso si Glen at muling nagsalita.
"Sige lang! Mag-deny ka pa. Alalahanin mo, iisa lang ang ligaw ng mga bituka natin. Kaya alam ko ang nararamdaman mo," pabirong wika ni Glen na nginitian ko dahil tama siya na iisa lang ang mga gusto namin sa buhay. Kaya naman palagi niyang nababasa kung ano ang nararamdaman ko.
"Oo na! Nasasaktan ako. Dahil bakit sa dinami-dami nang maging boyfriend ng ate ko! Eh, bakit ang lalaking mahal ko pa?" pagtatapat ko sa aking kaibigan.
Huminga nang malalim si Glen at muling nagsalita. "Besh, hindi pa katapusan nang lahat. Hindi pa asawa ng kapatid mo si Marco. Kaya may chance ka pang makuha ang puso niya," seryosong wika ni Glen na nginitian ko lang.
Masakit man sa akin ang katotohanan ay kailangan kong tanggapin na may nagmamay-ari na sa lalaking lihim kong minamahal at walang iba kung 'di ang kapatid ko. Siguro ay kailangan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko para kay Marco.