Being a mother is learning about strengths you didn't know you had." -
Sofie P.O.V
You are the most amazing mother anyone can have. And I am blessed because I have you. I am proud of you. I am grateful for being here at my side kuya dan.
Habang kumakain ako kahapon humilab ang tiyan ko..akala ko dahil sa nabusog lang ako, nasa hospital pa si kuya dan, nagmamadaling lumapit saken ang mga kasamahan ko sa bahay..napapansin na pala nila na namimilipit na ako sa sakit..tinitiis ko lang at diko pa naman due date.
Dalian niyo delia at manganganak na si sofie..tawagin mo ang driver, dali at ang mga gamit ilagay mo na sa sasakyan.. sila tuloy ang parang manganganak na..at tarantang taranta,.
Manang relax Lang po..ok lang kami ng mga babies. Kaya ko naman po.. Lando buhatin mo si anna.. tawagan ko lang si sir dan..
Mabilis kaming nakarating sa hospital at, nagtaka lang ako nandoon na si kuya dan sa Bungad ng pinto ng hospital nakaabang,. Damn nakuha mopa ngumiti..mamatay na kami sa pag-aalala sayo..
Nakahanda na ang room ng pag-aanakan ko. Kuya di naman ganun pa kasakit..sino magpapaanak saken. Dont worry si doctora ramos ang hahawak sayo..mag assist lang ako.. its not that naman kuya..doctor ka naman kaya i trusted you.. hindi ako doctor sa pagpapaanak anna anu alam ko naman diyan..
Hello doc mabuti andito ka, mas ma inspire kami nito..upo ka lang doon.. habang busy kami ni mommy anna dito..
Kinakabahan ako na na eexcite.. lakasan mo loob mo ok.. doon lang ako..aantayin kong lumabas ang mga pamangkin ko.. thank you kuya.. dont thank me yet..hanggat dipa lumalabas ang mga bata..
Mommy ready kana ba? Mag ayos ka muna para dika haggard paglabas nila. baby.. ikaw ang pinakamagandang manganganak.. look at you napakaganda ng kutis at mamula mula ang mga pisnge .i think its natural no blush on..dipo ako sanay magmake up maam.. sana all mommy..blooming while pregnant..
Naayos na nila, hindi ko na alam ang mga nangyari sa paligid ko..im feeling numb all over.
Nagising nalang ako sa ingay nila.. ang ganda naman niya at super pogi nitong lalake. Sa ama siguro nagmana at wala nakuha kay sofie. Pero itong girl tiyak marami ang paiiyakin nito.. ang mata at labi lang yata ang kay anna pati kulay..malakas ang dugo ng ama..
Anak gising kana pala.. dika puede pa kumain ng solid foods sabi ni doc. Nauuhaw ako manang.. bulak lang na dinampi sa lips ko..dika pa puede uminom ng madami..tiis-tiis ka muna..tingnan mo ang ganda at ang pogi ng mga anak mo..
Naiyak ako ng makita ko sila..walang kapantay na saya ang nararamdaman ng puso ko..ganito pala ang pakiramadam ng isang ina..mahal na mahal kayo ni mommy babies
Anu names nila mommy,. Lumapit ang nurse, the girl name is anica, and the boy name is nath gabriel, ang gaganda naman ng name nila..
Pag-alis ng nurse pumasok naman si kuya.. im happy for you sofie ang ganda at ang gwapo ng mga bata.. congratulations.. hinalikan niya ako sa noo.. thank you so much kuya..
Hindi magkanda ugaga ang mga kasama ko sa pag asikaso sa amin ng mga bata..mas lalong umingay sa bahay.. nagkakulay ang bahay.. mabait at hindi sila iyakin..unless gutom..
Hindi sapat ang gatas ko sa kanilang dalawa kaya sabi ni kuya dan mag bottles nalang sila..pero nagpapa breastfeeding ako kahit papano at ang sakit ngga dibdib ko dahil sa gatas.
Hindi parin ako makapaniwala na nandito na sila ngaun..nahahawakan ko at nahahalikan..ang cute-cute nila..halos nagmana pa sa ama nila..its so unfair. Ako ang naghirap pero mas lamang ang nakuha sa ama nila..
Sofie kumain ka muna kami na muna bahala sa dalawang ito.. para may lakas ka..ubusin mo yan..salamat palage sa inyo ate delia at manang sol.. i love you both..
Sila ang katuwang ko sa pag-aalaga sa dalawa kung anak..hindi sila kakikitaan ng pagod, at ni minsan hindi nagreklamo..masusuklian ko din mga kabutihan niyo saming mag-iina balang araw ..
Every child should grow with love and care. ...yan ang lage mo iiisipin sofie.. sabi ni kuya dan. Mas lalo natin sila mahalin at arugain..walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina..super lucky nila at mahal sila ng mommy nila..
Oh siya aalis na ako..if may need kayo tawagan niyo lang agad ako.. bye kiddos..love kayo ni tito dan..wag niyo pahirapan si mommy ok..
Manang kayo na bahala sa mga bata huh. Matigas ulo ng mommy nila kaya pakibantayan narin.. natatawa ako sa mga bilin ni kuya..akala mo bata ako..itong nanay na nga ako..
Over protective talaga siya..napaka swerte ng mapapangasawa ng batang yon.. mabait, mapagmahal, gwapo, mayaman anu pa hahanapin ng babae sa kanya..
Sana makatagpo na yang si sir dan ng mamahalin siya habang buhay..at gumawa sila ng madaming anak at sayang ang napakagandang lahi.. may pinsan yang si sir nag-iisang anak lang din..mas mayaman yata yon kesa kay sir dan..at napaka gwapong bata din.. kung di ako nagkakamali mas matanda lang ata yon kay sir dan.
Siya anna habang tulog pa ang mga bagets.. baba muna ako..paakyatin ko nalang muna si delia dito..
Salmat manang.. ako na po bahala dito.. di naman sila iyakin..at isa pa mamaya pa yan magigising.. maglilinis muna ako dito habang tulog sila..di naman din ako mapakali..lalo na wala naman ako ginagawa..ako na ang naglilinis sa room namin ng mga bata..kaya ko naman. Madami sila ngaun gagawin at may bisita daw si kuya dan sa susunod na linggo..sino naman kaya iyong bisita niya..
Todo ayos sila manang akala mo VIP ang bibisita.. bahala na muna sila at ako masakit pa tahi ko..pag napwepwersa ang kilos ko.. di daw kasi agad naghihilom ang sugat sa loob..maari daw bumuka if di ako magiingat...
Im done cleaning our room..iidlip muna ako..at nakaramdam ako ng pagod at hinang hina ako.
Ayaw na nila ako halos pakilusin at malaki na ang tiyan ko.. Nakakahiya na wala ako maitulong kahit papaano.. Libre na nga ako lahat dito.. Ayaw ko naman samantalahin kabutihan nila samin ng anak ko..
Makakabwi din ako sa kanilang lahat.. Dina iba turing ko sa kanila.. Pamilya na kami dito.