Chapter 25 Lumubog si Mami sa ilalim ng tubig. Hindi na niya abot ang mga bato sa ilalim. Nagpanic na siya kaya kahit ano pagkampay ang gawin niya ay hindi siya umaangat. Nagsimula na siyang magkaroon ng mga flashback memories. Mga masasayang alaala ng kabataan niya kasama ang namayapa niyang ama. Masaya silang nagtatakbuhan ng mga kapatid niya sa gitna ng riles ng tren. Ang mga alaala ng masasayang mukha ng mga kapatid niya sa tuwing may nauuwing masasarap na pagkain si Mami galing sa raket niya. Ito na nga yata ang katapusan niya. Ang sabi kasi noon, kapag oras mo na, makikita at maaalala mo ang mga masasayang bagay na nangyari noong nabubuhay ka pa. Handa na sanang ipikit ni Mami ang mga mata niya, ngunit biglang may yumakap sa kanya mula sa malamig na tubig. Namalayan na lang niya n

