Chapter 22 Siniguro muna ni Leon ang kalagayan ni Mami bago niya ito iwan sa gilid ng puno ng buko. Nagpaalam ito na maghahanap muna ng mga taong pwedeng tumulong sa kanila. Hindi niya maisama si Mami dahil alam niyang nanghihina pa ang katawan nito. Nakaidlip pang muli si Mami habang nakasandal pero nagising din siya kaagad nang marinig ang mga yabag papalapit sa kanya. Napatayo siyang bigla at dumampot ng sanga na maaari niyang magamit pangdepensa at pagtanggol sa sarili kung sakaling ibang tao ang lumapit sa kanya. "Mami, it's me," pakilala naman kaagad ni Leon. "Leon? Ang bilis mo naman yata?" Nagtatakang tanong ni Mami. "You won't believe what I saw. It is an isolated island. I have seen no one. No house, no other people, nothing," hindi makapaniwalang kwento ni Leon. "What?! So

