Chapter 29 Tatlong buwan noon na naghanap si Leon sa karagatan malapit sa islang pinanggalingan nila ni Mami pero wala ni isa na nakakilala o may alam kung nasaan na nga ba ang babaeng mahal niya. He felt defeated. He went back to Manila. Pangalawang lipat na rin niya ngayon sa apartment. Humaba na nga ang buhok, balbas at bigote niya. Napabayaan na niya nang tuluyan ang sarili niya. Paniniwala niya kasi, bakit pa? Para saan pa? Kung mag-ayos at maging presentable man siya, hindi na rin naman makikita ni Mami kung ano na nga ba ang itsura niya ngayon. Sinasayang niya ang oras niya sa loob ng kwarto. Natutulog sa umaga, gising sa gabi para manood ng pelikula o series na action. Ganitong mga palabas kasi ang gustung-gustong panoorin ni Mami noon habang tumatagay sila. He can still remembe

