FUJI TAKA POV KUMUNOT ang noo niya nang makita si Yazmin na dahan-dahan lumalapit sa gawi niya. Patay malisya pinagpatuloy na lamang niya ang pag tingin sa hawak niya iPad habang nakaupo sa salas. Narinig niya tumikhim nang malakas ang dalaga pero hindi man niya ito tinapunan ng tingin. Nais niya ito ang unang magsalita tutal ito naman ang una lumapit sa kaniya. "Ahmm, gusto ko sana mag-sorry." Wika nito dahilan upang tignan niya ang dalaga. Bahagya nakayuko ang ulo nito, ngunit kitang kita pa rin niya ang maamong mukha nito na bumabagay sa mahaba at nakalugay nito buhok. Huminga siya nang malalim. "Sorry for everything. Sorry sana mapatawad mo ako. Please huwag ka magalit sa'kin." Dugtong pa nito. Tumaas ang sulok ng labi niya. "What makes you think na madadaan mo 'ko sa sorry?" Tan

