FUJI TAKA POV "MARAMI ka ba negosyo bukod sa restaurant na 'to?" Napasulyap siya kay Yazmin, kanina pa niya ito pinagmamasdan habang kumakain. Kada subo, nguya at lunok nito parang tila nag i-slow motion sa paningin niya. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang mararamdaman para sa dalaga. "Kanina nasa mood ka, ngayon...mukhang wala ka na sa mood, sumagot sa mga tanong ko," tila nagtatampong wika ni Yazmin. Huminga siya nang malalim sabay ngisi. "Actually, I was feeling a bit off today, but you just turned me on." Pilyong bigkas niya habang nakatunghay sa mukha ni Yazmin. Gusto niya kumbinsihin ang sarili na hindi na bata ang asawa niya, she's not a teenager anymore. Oh come one, she's my wife, nasa tamang edad na ito. "Not funny." Nakabusangot ang mukha na sagot ni Yazmin sa kaniya

