YAZMIN POV NASA ISANG private plane na siya ng magising. Hindi niya alam kung paano at sino ang nagdala sa kaniya roon, ang tanging naaalala niya ay kausap niya si Chiyo-san. Nasapo niya ang ulo dahil sa bahagyang pagkahilo. "You like some water, Miss?" Dagli siya napatingin sa isang matangkad na babaeng stewardess. Napalunok siya sabay tango. Nanunuyo na rin kasi ang lalamunan niya, hindi niya tuloy malaman kung ilan araw ba siya walang malay. "Where are we going? I mean, this plane," aniya sa mababang boses. Ayaw niyang mag hysterical, pinili niyang maging kalmado baka ano pang mangyari sa kaniya hindi maganda. "This is going to Beijing," ani ng babae at inabutan siya ng isang basong tubig na kaagad naman niya ininom. China? Anong gagawin sa kaniya sa China? Kumirot ang ulo niya

