CHAPTER 12 ; GUILTY

1342 Words
“Run Away With Me” Written by; Mhayie "GUILTY" CHAPTER 12 Z-eikie Pov; Matagal nang panahon mula ng huli ko'ng masilayan ang maamo niyang mukha ,bawat parte ng mukha niya ay kabisado ko ,at sa muli namin pagkikita umaasa ako na walang nagbago pero lahat ng yun naging mailap para saming dalawa. Yung noong maamo at simpleng mukha ay ngayon napalitan ng pisturang kakaiba,hindi lang mukha at pananamit ang nagbago sa kanya pati narin ang dam-damin nito para sa akin noon. Paano ako mananatiling kalmado kung yung babaeng mahal ko ay tuluyan na naglaho ang pagtingin sa akin?.. Sa dami ng panahon na sinayang ko ,gusto kong bumawi pero paano? Kung sa tuwing susubukan ko mapalapit sa kanya siya mismo ang tumutulak sa akin papalayo. Marahil napakalaking sugat na iniwan ko sa kanya kung kaya ganito nalang ang pagka-disgusto niya sa akin,na kahit napakalapit ko na sa kanya pero parang ang layo ng agwat parin namin sa isa't-isa. Nang muli kame pinagtagpo isa lang ang nasabi ko sa aking sarili na hindi na ako papayag na muli kame pag-hiwalayn ng tadhana, kahit pa siya itong tumutulak sakin papalayo sa kanya. Nung unang gabi na na tinanggihan niya ako bilang maging kabiyak niya ay siya ring gabi na hindi ko malilimutan dahil kung paano niya ialay ang sarili niya sa akin na walang pag aalinlangan, alam ng diyos kung ilang beses ko pinigilan ang sarili ko na huwag siya galawin pero sadyang naudyok ako sa tukso lalo pa ng sabihin ni Kierra sakin ang mga bagay na iyon, natakot ako sa banta niya na sa iba niya ibibigay ang sarili sa oras na tanggihan ko ang nais niya. Dahil doon nag iba ang awra ko ,naging isang mabangis na leon ako na gutom na gutom sa laman at takot maagawan o mamahagi sa kung nino man . Wala akong pinagsisihan na ginawa ko yun dahil lubos naman ang katapat ko sa babaeng mahal ko noon pa man. Nakakatawa man isipin na gugustuhin ko nalang himasin ang sarili ko at isipin siya kesa sumubok sa ibang babae? ,hindi naman siguro kabawasan samin mga lalaki yun kung sadyang tapat lang itong alaga ko at sa isang tao lang sumasaludo. Kahit ganon pa man hindi parin ako sumuko at sa pagtitiyaga ko mapalapit sa kanya hindi ako nabigo na yayain siya na kahit saglit ay takasan namin ang problema na tanging sarili lang muna namin ang iintindihin namin. Kaya dinala ko si Kierra sa probinsya na kung saan ay may nabili akong lupain noon, alam kong magugustuhan niya ang lugar na iyon kung nanais lang kahit dito na kame tumira sa oras na ikasal kame pero alam kong hindi din ito papayag dahil sa trabaho niya. Ilang araw palang kame rito pero puro away na ang nangyayari samin hindi ko alam kung anong dahilan bakit bigla nalang nagagalit si Kierra sa akin,minsan gusto ko nang isipin na nagseselos siya pag dating kay Stella pero baka magmukha lang akong assuming,dahil malinaw naman sa kinikilos niya na wala naman siyang pagtingin para sa akin at matagal na niya ako binaon sa limot. Hindi ko rin naman magawang hindi magselos sa tuwing nakikita ko may kausap siyang iba pero anong karapatan ko para ipagdamot siya kung wala naman sakin ang pag ibig niya. "Kuya Zeikie?" Tawag ni Stella,napatingin naman ako rito . "Masama pakiramdam mo?" Usisa nito. "Hindi naman!" "Kanina pa ako salita ng salita rito pero ang isipan mo sa iba nakatuon!?" Turan nito. "Sorry!" "Ok lang,oo nga pala hanggang kelan kayo rito?" Dagdag nito. "Kinabukasan ay babalik narin kame!" Sagot ko kay Stella ,may pagtataka man ay di kona inusisa pa batid ko naman na may bahid ng lungkot sa mga mata ni Stella. "G-anun ba? ,pwede ba ako sum------!?" Naudlot ang sasabihin nito ng magsalita si Calix. "Couz ang tagal na natin hindi nakapunta rito pero ang sapa walang pinagbago!" Turan nito. Tumango lang ako bilang pagsang ayon at muli itinuon ang atensyon sa babaeng tahimik pero may pagkamangha sa mga mata. "Kuya Zeikie tara maliligo?" Aya ni Stella at naghubad ng damit ,hindi kona napigilan suwayin si Stella dahil sa suot niya ngayon ,maganda naman ang katawan ni stella at di ko ipagkakaila iyon ,pero wala akong pagnanasa na nararamdaman para sa kanya ,kaya kahit na gusto ko sana siya suwayin ay minabuti ko nalang manahimik dahil ayaw ko maging dating kay Kierra na conservative ako pagdating kay Stella at ayoko bigyan din ng dalaga ng kahulugan ito. Nakisali na samin si Calix sa paliligo habang si Kierra ay tahimik na nakamasid lang ,muli itong niyaya ni Calix at sa pangalawang pagkakataon ay napapayag nito si Kierra. Hindi ko alam pero grabe ang pagkamangha ko ng masilayan ang katawan ni Kierra kahit pa nakita at nahawakan kona ito,iba parin pala pagnatitigan ng husto na tipong gusto ko siya ipagdamot at pagbawalan dahil gusto ko ako lang ang makakakita sa ganoong pistura niya, masyado bang territorial pero wala na ako paki dahil ang babaeng matagal kona minamahal ay matagal kona minarkahan,at hindi ako papayag na may mang agaw ng ganun-ganon lang kung sino man ang magtangka agawin siya ay dadaan muna sila sa akin . "Couz laway mo!" Bulong na biro ni Calix na sinugundahan ko ng siko kaya napadaing ito ng bahagya. Hindi kona narinig ang aya ng dalawa dahil nakatuon lang ang tingin ko kay Kierra na dahan dahan na papalapit sa amin. Ang buong atensyon ko ay na kay Kierra ,hindi ako nagdalawang isip na hapitin siya papalapit sakin at bantaan ito. Alam kong naging possessive ang datingan ng mga sinabi ko pero yun talaga ang nais ng damdamin ko ipahiwatig sa kanya batid ko natigilan ito,at akmang magsasalita pa ng marinig namin ang paghingi ng tulong ni Stella. Sa pagkabigla ay mabilis na nilangoy ko ang kinaroroonan nito at sinagip ang nalulunod na si Stella,maingat na inilapag ko si Stella at binigyan na agarang tulong, para sakin walang malisya ang ginagawa kong pagma-mouth to mouth kay Stella ,ngunit para akong nagkasala sa mga mata ni Kierra ng makita ko ang sakit sa mga mata niya ng ginawa ko yun. Kahit ako natigilan sa ginawa ni Stella sakin ng pumulupot ang mga braso nito sa leeg ko at gantihan ako ng halik. Huli na ng magprotesta ako dahil umalista si Kierra at iniwan ako na hindi man hinintay ang paliwanag ko. Mabilis na binaklas ko ang mga brasong nakapulupit sa leeg ko at malamig na tinignan si Stella,parang balewala naman ito sa babae. "Bakit ayaw mo ba?" Malakas na loob na tanong nito. "Enough Stella!" Sigaw ko,bakas ang pagkagulat ng dalaga sa turan ko. "Bakit ba pinagpipilitan mo sarili mo sa kanya? Narito naman ako matagal na humahanga sayo......!?" . "I said enough,baka hindi ako makapagpigil saktan ka!" Pagbabanta ko,natakot naman ang dalaga pero hindi yun sapat para ipagpilitan ang nais. "Bakit ba ganyan ka sa kanya,,,,bakit ba ---!?" Di na natuloy pa ang sasabihin ni Stella ng putulin ko ito. "Fiancee ko Kierra at ilang araw nalang kakasal na kame!" Seryosong turan ko,nakita ko ang luhang dumadaloy ngayon sa mga mata ni Stella. "Bakit di nalang ako!?" Pagsusumamo nito. "Dahil siya lang ang mahal ko noon pa man at hanggang ngayon siya lang wala nang iba,kaya kung ipipilit mo lang sarili mo masasaktan ka lang !" Dagdag ko at walang lingon lingon na nilisan ang lumuha na si Stella. May takot sa puso ko na hinabol si Kierra batid ko nasaktan ko siya kahit di niya aminin dahil sapat na yung nakita ko upang bigyan ng pag asa ang puso ko na mabawi ang dating pagmamahal niya . Natigilan ako ng makita ko ang lagay ni Kierra na lumuha habang yakap yakap ni Calix,alam kong pinapakalma lang ito ng binata pero nagiging makasarili ako sa tuwing nakikita ko may ibang nakayakap sa kanya. Ganon ako kaselfish pagdating sa kanya ayoko na ipamahagi siya sa iba kahit kamag anak ko pa. Sa huli ay Hindi na ako naglakas ng loob na lapitan sila at minabuti ko nalang na pagmasdan siya sa malayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD