Chapter 1: Kiss
“KAILAN daw po siya gagaling, tita?” tanong ko. Kahit matagal na kaming hiwalay ni Oriphyn ay concern pa rin naman ako sa kaniya.
Mayroon naman talaga kaming pinagsamahan. Naging magkaibigan kami bago nagkaroon ng relasyon.
“Ang sabi ng doktor ay pansamantala lang naman iyon. Babalik naman daw agad ang memorya ng anak ko.” Sa hitsura pa lang niya ay halatang nag-aalala siya para sa anak niya. Panganay na anak niya si Oriphyn, normal naman ang mag-alala sa sariling anak.
“Aware po ba siyang may amnesia siya, tita?” tanong ko na ikinatango niya. Mataman pa niyang tiningnan ang kaniyang anak.
“Iyong aksidenteng nangyari ay wala siyang maalala. Kaya kinumpirma na muna ng mga doktor ang kalagayan niya. Hayon nga, hija. May selective amnesia siya,” muli pang paliwanag ni Tita Lara. Ang lungkot-lungkot niyang tingnan.
“Ano pa ho ang sinabi ng doktor?”
“Huwag na muna raw i-trigger ang amnesia niya. Hayaan na lang daw natin na sarili niya mismo ang makaalala,” sagot niya. Na parang iyon na lang ang paraan upang bumalik ang alaala nito.
“Kaya naman pala hinahanap niya ako, tita. Kasi akala niya ay may relasyon pa kami. Mahigit isang taon na po kaming wala,” paliwanag ko.
“Alam ko. Nakikiusap ako sa ’yo, Esterly. Pagbigyan mo na muna ang anak ko. Samahan mo na muna siya. Ikaw talaga ang palagi niyang hinahanap. Makaaalala rin naman siya agad.” Hindi iyon magandang idea. Ang manatili pa ako sa tabi ng anak niya ay ang pinakamahirap na gawin. Hindi ako martyr para gawin iyon.
Paano kung bumalik ang alaala nito? Sino ang maiiwan na luhaan at nasasaktan? Hindi ba ako? Ang nobya niya ay puwede pang magtiis ngayon. Ako, ayoko na because I’ve been there. Huwag na nilang dagdagan pa ang sakit nang nararamdaman ko.
Ginanap pa ni tita ang mga kamay ko, may pagsusumamo sa mga mata niya. Malaki ang respeto ko kay Tita Lara at kapag nasa ganito kaming sitwasyon ay hindi ko siya magagawang tanggihan. Parang anak na rin ako kung ituring niya.
Napahinga ako nang malalim. “Sige po, tita.”
Napangiti siya dahil doon at nagawa pa niya akong yakapin. Humiwalay lang agad siya nang magsalita ang anak niya.
“Mom, hindi ko pa nayayakap ang girlfriend ko. Ako naman po,” singit nito.
“Oh siya. Maiwan ko na muna kayo, anak,” paalam ni tita. Huminga pa ako nang malalim saka ko nilapitan si Oriphyn.
Nakangiting tinapik pa nito ang hospital bed niya. Malaki iyon, dahil sa private room siyang naka-confine. Galing nga kasi siya sa mayaman na angkan.
“Dito ka, hon.” Sumunod na lamang ako sa inuutos niya. Umupo ako sa edge ng kama. I tried to smile, iyong parang ngiti na hindi ako napipilitan.
Saka niya ako dahan-dahan na niyakap. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan. Ganito pa rin ang pakiramdam sa tuwing nakakulong ako sa mga bisig niya. Subalit may panibagong kirot lang sa dibdib. Sa halip na mas maging masaya ako.
“I miss you so much, Est. Akala ko paggising ko ay ikaw ang una kong makikita, and I’m too clueless sa nangyari. Kung bakit nasa hospital ako at nakaratay lang sa kama?” Hindi ako sumagot. Hinigpitan ko lang din ang pagyakap ko sa kaniya.
Hanggang sa kumalas siya. Napapitlag pa ako nang hawakan niya ang magkabila kong pisngi. Matiim niya akong tinitigan, na para bang sinusuri niya lang ako.
“Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” I asked him. I tried to remove his hand, pero hindi ko nagawa iyon.
“Hindi ka ba masayang nakita ako? At nagising na rin mula sa mahimbing kong pagkakatulog?” Ang boses niya ay tila may hinanakit.
Of course, masaya pero may kaunting kirot lang.
“Ano’ng klaseng tanong naman ’yan? Sino ang hindi matutuwa na gising ka na? Lahat kami ay nag-aalala sa ’yo noong naaksidente ka,” sambit ko. Ngumiti siya, nang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin ay agad akong umiwas. Naramdaman kong natigilan din siya. Napatingin ako sa basket na punong-puno ng prutas. “Gusto mo bang kumain ng prutas? Pagbabalatan kita.”
Wala siyang nagawa nang umiwas nga ako at kahit hindi pa siya sumasagot ay agad ko nang ginawa.
Lahat ng atensyon ko ay ibinuhos ko sa prutas at ni isa sa mga binalatan ko ay wala man lang siyang ginagalaw.
Nag-angat ako ng tingin at nahuli ko ang titig niya sa ’kin. Nginitian ko siya, para hindi niya mahalata na hindi na ako komportable sa presensiya niya.
“May problema ba tayo bago ako naaksidente, Esterly?” he asked. Hindi ko inaasahan na itatanong niya iyon. Nawala na ang memorya niya lahat-lahat. Ngunit wala pa ring palya ang malakas na obserbasyon niya.
“Bakit mo naman naitanong ’yan, Oriphyn?” mahinahon kong tanong. Sumandal pa siya at nasa akin pa rin ang kaniyang atensyon.
“Why do your eyes look sad? You’re distant too, and I can feel that you’re avoiding me. I remember you weren’t like this before. Your face always looked bright and open. Now, you’ve become quiet. Esterly, tell me if we have a problem so I can fix it.” Ang boses niya ay nagsusumamo. Ang mga katagang ito ang hindi niya nasabi noon. Dahil mas pinili niyang palayain ako.
“Oriphyn, your memories are stuck in the past. You don’t remember what’s going on now, so you know things will change. Even the people around you,” seryosong sabi ko. Napaiwas siya ng tingin at tila napaisip.
“Mahal mo pa rin naman ako kahit may nagbago sa ’yo, right hon?” Ako naman ang napatingin sa ibang direksyon. “Est... Mahal mo pa rin naman ako, ’di ba?”
Tumingin ulit ako sa mga mata niya at tumango. “Hindi nawala ang pagmamahal ko sa ’yo, Oriphyn. Kahit lumipas man ang mga taon ay alam mong sa iyo pa rin titibok ang puso ko. Baka sa ’yo ang nagbago.”
Umiling siya, hindi sang-ayon sa aking sinabi. “No. That won’t happen. I still love you, Esterly. My heart is beating so fast.” Napatutop pa siya sa dibdib niya. Why is it like this? Why are his eyes sparkling? Just like before, when he looked at me.
Hindi ba sabi nila kapag nawala ang alaala ng isang tao ay hindi magbabago ang puso? Na maaalala pa rin ng puso niya ang totoong mahal niya?
“Sigurado ka ba riyan, Oriphyn? Mamaya niyan ay iba na pala ang mahal mo,” naiiling na sabi ko. Kumuha ako ng fork at tumusok ng mansanas saka ko iyon ibinigay sa kaniya.
“That’s impossible, Est. Alam kong mahal pa rin kita. Natulog lang ako ay ganyan ka na ka-negative mag-isip,” tila naaasar na sabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay roon ang tinidor.
“Kumain ka na lang,” aniko.
“Pero seryoso ako sa sinabi ko, Est.”
“Oo na. Kainin mo na lang iyan,” giit ko pa. Akala ko nga ay kukunin na niya ang fork, subalit hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila niya ako. Sa sobrang lakas no’n ay napapikit pa ako nang tumama ang mukha ko sa dibdib niya.
Sinadya niyang diniinan iyon at narinig ko ang mabilis na pintig ng puso niya. Mas lalo tuloy akong naguguluhan.
Ganoon ba iyon? Posibleng bumalik ang pagmamahal sa ’yo ng isang tao?
“Can you feel it, Est? Ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Hinding-hindi magbabago iyan.” Aasa ba ako? Paniniwalaan ko ba ang mga katagang lumabas sa bibig niya? Na taliwas sa mga sinabi niya noon sa akin, sa mga panahon na gusto na niyang maghiwalay kami.
Muli akong napapikit nang halikan niya ako sa ibabaw ng aking ulo. Naguguluhan lang siya. Tama, iyon ang nangyayari sa kaniya. Pinipilit niya na mahal pa rin niya ako, dahil clueless pa siya.
Kapag bumalik na ang alaala niya ay babawiin niya rin ang mga sinabi niya.
“Tama na ’yan, Oriphyn. Hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap mo sa akin,” reklamo ko at tinulak ko pa siya sa dibdib.
He let me go again, but what he did next caught me completely off guard. His lips touched mine, and he kissed me softly, and all I could do was hold on to his shirt and kiss him back.
I’m sorry, Channon.