Chapter 39 Flint Dela vega's POV "Don't worry ate sasabihan ko mamaya si Sheinna na buong bahay niyo na pasabugin," ani ko na mas kinagusot ng mukha niya. "Arrgggh! pareho talaga kayong mag-ama," sigaw niya bago nagmartsa palabas ng office. Nakita ko namang napailing nalang si Ace. "Dad narinig ko kayo ni tito Caspian uuwi na dito si mom diba?" tanong ni Ace na kinatingin ko. Anyway kwento ko sa inyo kung paano namin nakita sina Ace. -FLASHBACK- "Boss ito yong tinuro ni Red na main base ng ama niya," ani ni Caspian habang nakatingin sa lumang gusali. Nag-gesture ako sa mga tauhan ko na pumasok na. Nagsimula na kaming kumilos lahat— naghiwa-hiwalay kami. Napatingin ako sa isang kwarto na nadaanan ko ng may marinig akong iyak ng bata. Dahan dahan akong pumasok. Agad kong pinagbaba

