Chapter 42 Aspien Lewis' POV Nagkaroon ng maliit na salo salo sa mansion dahil daw sa pagdating ko at pagbigay ko ng chance kay Flint. Tudo asar nga sila eh bakit daw hindi nalang deritso sa kasalan— mga baliw talaga. Ilang araw na ang nakakalipas simula nong umuwi ako dito. Andito ako ngayon sa kwarto nagsusulat ng liham na ipapadala ko kay Alistair sabi niya kasi gusto niya sulat ang ipadala ko ewan ko sa batang yon. sI Flint naman ayon nanliligaw pa din— araw araw akong pinupuntahan dito para lang bigyan ng bulaklak at pakiligin. At ito nga andito na naman siya sa harap ng kwarto ko. "Para sayo," nakangiting sabi niya bago inabot ang isang bouquet of flowers. Naiiling ko naman itong tinanggap. "You know what Flint konti nalang magiging flower shop na ang kwarto ko," natatawang

