Chapter 28 Aspien Lewis POV Andito ako ngayon sa kwarto nagliligpit ng mga gamit. Kahapon graduation namin at ngayon kasal na ni Aspen at Flint. Ngumiti ako ng mapait bago hinawakan ang sinapupunan ko. "Sorry baby ah si mommy lang makakasama mo," ani ko habang nakangiti ng mapait. "Aspien tara na," biglang sabi ni kuya ng makapasok siya sa kwarto ko. Btw walang tao dito kasi nasa bahay nina Flint at Aspen sina mommy at daddy. "Tapos na ako kuya tara," ani ko. Kinuha niya ang maleta ko at lumabas na sumunod naman ako pero bago yon nahagip ng mata ko ang panyo na pagmamay ari ni Flint. Kinuha ko ito at hinawakan ng mahigpit. Napabuntong hininga nalang ako bago sinilid sa bulsa ko ang panyo. Nang makababa ako nakita ko ang mga yaya sa baba na nagtatakang nakatingin samin. Hindi ko

