Epilogue 3rd Person's POV Lumipas ang isang linggo ini-enjoy nina Aspien ang sarili nila sa probinsya. Nawala na sa isip nila ang mga asawa na kasalukuyang mamatay matay sa kakahanap sa kanila— lahat ng pwedeng puntahan ng mga asawa nila pinuntahan na nila. Hindi naman makatiis si mang Juanito ang driver na naghatid kena Aspien sa probinsya. Inaalala niya palagi ang sinasabi ng mga amo niyang babae na huwag na huwag niyang sasabihin kena Flint kung nasaan sila. Pero hindi kinakaya ni mang Juanito ang makita na mabaliw baliw na kakahanap ang mga among lalaki sa mga asawa nito kaya nilapitan niya ito. "Sir patawarin niyo sana ako," nakayukong sabi ni mang Juanito bago lumuhod sa harap nina Flint na napakunot nalang sa noo. "Bakit ano bang ginawa mo manong at humihingi ka ng tawad?" t

