"Hunter come here!" Tawag nya sa kanilang alagang aso na kanina pa naka tingin sa kanya. "Sit beside me." Sabay tapik nya sa pwesto na katabi ng inuupuan nya. Agad naman itong sumunod. Kung ano ang sipag at alerto nito ay sya namang tamad ni sky na alaga nilang pusa. "Good boy! You like to be with mommy ah." Masaya niyang saad habang yakap ito. All their pets are the sweetest and so perfect for them. She’s so excited for the baby to meet them too. "M’aam, mukhang naiwan po ni sir ito, hindi nya po nadala kanina pag alis nya." Saad ni inday na pumasok sa entertainment room na may dalang mga papeles. "Ganon ba, tumawag ba sya para dyan?" "Wala naman po, pero ito po kasi yung inaayos nya kagabi." "Sige, ako nalang magdadala nyan sa opisina nya. Pwede bang paki handa din nung niluto kong

