Kanina pa sya hindi mapakali. Kasama nya ang mga kaibigan dahil may bagong business sila na pinag uusapan pero nasa bahay ata nila ang isip nya. Hindi mawala sa isip nya ang ginawa nila ni Rox sa dining area kahapon. Simula kasi ng mangyari yun ay parang iniiwasan na sya nito. "Hey, earth to Blaze oh. kanina pa kami salita ng salita dito, parang nasa outer space ang isip mo bro." Malakas na boses ni Fritz na kumuha ng atensyon nya. "Just continue." "Continue ka dyan, tapos na nga namin ma explain lahat kaya tinatanong kita kung ok na ba sayo?" "Okey. I'll just sign the papers." "Ang hirap naman ma in love, nawawala sa sarili." Biglang saad ni Ruther. "What are you talking about?" "Man, look at yourself. Malala ka na!" Natatawang saad ni Calix na umiinom ng tubig. "Bahala nga kayo

