Sa mga nakalipas na mga buwan ay naging abala sya sa mga seminars na kung saan saan sya pinapadala ng daddy nya. As usual her routine is house and office lang. Simula kasi ng mag bar sila ay di na nya nakita pa ang mga kaibigan. Tumawag nalang kasi sa kanya si Sam para sabihin biglaan ang pag alis nito, si Xue naman ay umalis din para takasan naman ang daddy nito. "Iha, may sakit ka ba?" tanong sa kanya ng mommy nya habang naghahapunan sila. Wala ang daddy nya dahil nasa China ito. "Pagod lang siguro to mommy. Marami kasi akong ginawa kanina sa office." "Ilang araw ko na kasing napapansin na matamlay ka." "Im okey mom. Kulang lang siguro sa tulog." "Huwag mo namang masyadong pinapagod ang sarili mo anak, Kaya nga tayo may mga empleyado para makatulong sayo. Your young and so beautiful

