"Are all your things ready for your flight next week?" Tanong ni Jia habang inaantay nilang dalhin ang order nila for lunch.
Nasa isang sikat na restaurant sila sa Makati.
"Yeah, some clothes and shoes. Kung ako lang masusunod, ayoko naman talaga magtagal dun, i will miss all of you and my business too." Saad ni Bria.
Nagpasama kasi ito sa kanyang mag shopping ng mga iba pang dadalhin sa russia. Hindi nakasama si Sam & Xue dahil busy sa trabaho at may importante daw na aasikasuhin.
"Just enjoy there, im sure maganda dun, and you will help your parents there. More on moral support ka dun. Hehe."
"Ano naman gagawin ko sa farm?"
"Try mo mag gardening, o kaya dun mo gamitin ang galing mo sa pagluluto."
"Hmmmm, I’ll try."
"Have fun and bond with your relatives there. Malay mo dun mo makilala ang future boyfriend o asawa mo."
"Nah-ah!!!!"
"Nah!!! Nah!!! Ka dyan. Diba nga andaming gwapo at machong lalaki dun. Ang swerte mo at makakasama mo sila."
"Gusto mo bang sumama?"
"Well, aayusin lang namin ang mga sched namin at pupuntahan ka namin dun gaya ng plano diba nga."
"Hmmmm, hindi pa nga kami umaalis parang naiisip ko palang ang buhay dun, naiinip na ko at gusto kung bumalik dito agad."
"Sira, bakasyon lang naman kayo dun, huwag kang oa, babalik ka pa naman din dito."
"Ang tagal pa."
"Saglit lang yun noh. Baka nga pag nagkataon mas magustuhan mo na dun at di ka na bumalik dito."
"That will never happen."
"Hmmmm,,,, may maiiwan ka bang someone special dito?"
"Huh! Wala ah."
"Sus!!! Oa ng reaction mo, parang meron! Sino ba yun?"
"Wala nga. Tigilan mo ko RJ ah."
"Sige ikaw bahala. Basta pag ready ka na mag share, im just one call away."
"Ewan ko sayo."
"Hahaha!!!! Bat namumula ka?"
"Hindi kaya!"
"Uy!!!! May someone special nga sya. The who? Name reveal naman dyan!"
"Gutom ka pa ata eh, gusto mo order pa tayo?"
"Ay! Umiiwas ah, iniiba usapan."
"Change topic na nga! Baka ikaw ang meron."
"Isa lang naman ang gusto ko at wala ng iba."
"Yung sinabi ni xue na matanda na?"
"Hoy! Grabe kayo, hindi matanda yun, porket 10 yrs older than me matanda na agad."
"Sabagay! Sino nga ba yun?"
"Si Bl............."
"Iha, ikaw pala yan, what are you doing here?" Saad ng bagong dating.
"Mommy, anong ginagawa nyo dito, sinong kasama mo?"
"Im with your dad, galing kami sa business meeting with tito Felix nyo and naisipan namin na mag lunch na dito bago umuwi."
"My baby nice to see you here." saad ng bagong dating na lalaki.
"Dad, magkasama lang tayo kanina sa breakfast, para namang ang tagal natin di nagkita."
"Haha! I just miss you...... And who is this beautiful lady with you?"
"Mom, Dad, this is my friend Jia, yung lagi kong kinu kwento sa inyo."
"Oh, you’re the one who always gave us foods."
"Hi po, nice to meet you po sir, ma'am."
"Oh please, just call us tita and tito."
"Is it okey if we join you girls?" Tanong ng ama ni Bria.
"Sure, po tito."
Agad nilang tinawag ang waiter para sa order ng bagong dating.
"Iha, i would like to personally thank you for all the foods you gave us in our anniversary."
"You’re welcome po, im glad nagustuhan nyo po."
"We love it so much! Napaka swerte ng mapapangasawa mo dahil magaling ka sa kusina." Saad ni Brandon.
"At napaka ganda pa." Dugtong ni Jekaterina. "May boyfriend ka na ba iha?"
"Ahhh, wala pa po."
"No boyfriend since birth din yan mommy. Kaya kung sino man ang lalaking magustuhan nya eh napaka swerte talaga. Maganda na mabait pa."
"Mga bata pa naman kayo, marami pa kayong makikilala at makakapili pa kayo ng karapat dapat sa inyo." Saad ng mommy ni Bria.
"Sayang nga mommy, irereto ko pa naman sana sya kay kuya."
"Oo nga! siguradong bagay na bagay kayo ng panganay ko. Hindi ka naman lugi sa anak kong yun."
Ramdam ni Jia ang pamumula ng mukha nya dahil sa sinabi ng mag ina. Parang na curious tuloy sya sa kuya ni Bria.
"Kayo talagang mag ina, tingnan nyo at nahihiya na tuloy si Jia. Pero iha, sa tingin ko bagay nga kayo ng panganay ko." Nakangiting saad din ni Brandon.
"Medyo workaholic nga lang si kuya friend. Hindi naman masyadong halata na bini build up namin sayo ang kuya ko diba."
Natawa silang lahat sa sinabi nito.
Mabuti nalang at dumating na ang mga order nila kaya naputol ang pagrereto ng mag asawa sa kanya at sa kuya ni Bria.
Nang matapos mag lunch ay nagpaalam na sila sa mag asawa dahil may pupuntahan pa daw ang mga ito.
"It’s so nice to meet you iha, pag isipan mong mabuti ang sinabi ko ah."
"Ahhhh, sige po tita."
"Iha, aasahan namin kayo na bisitahin kami sa Russia."
"Opo tito. Salamat po."
"Ingat kayo mom and dad."
"Bye! Enjoy you two." Saad ni Jekaterina bago sumakay sa nag aantay na sasakyan ng mga ito.
"Nakakatuwa naman ang mommy at daddy mo. Ang bait din nila."
"Ganyan talaga sila, super sweet sa isat isa. Feeling bagets pa nga din eh."
"Ganyan din ang mom and dad ko. Super in love sa isat isa. Sana makahanap din tayo ng partner na kagaya nila."
"How i wish."
"Tiwala lang besh!"
"Aye! Aye!"
************************
"Hi RJ!"
"Achi! Buti tumawag ka, asan ka ba at mia ka ng isang linggo. Di na tuloy kayo nagkita ni Bria bago sya umalis."
"Kaka uwi ko lang, nag extend kasi yung work ko kaya nag video call nalang kami to say my happy trip."
"Ah, ganun ba."
"Ready ka na ba bukas?"
"Saan?"
"Diba nga birthday na ni Sam next week, eh uuwi sya ng US nun kasi biglaan na pinapa uwi sya ng daddy nya at gusto daw syang makasama nito sa birthday nya, kaya bukas na tayo magcelebrate.
"Naku! Mukhang malabo ako nun, alam mo naman si dad, tsaka aalis sila bukas eh."
"Eh di mas ok yun, wala sila kaya pwede kang umalis."
"Im not sure."
"Ganito nalang, magpa alam ka na dito ka mag overnight sa bahay."
"Eh pano sila tito?"
"Dont worry, aalis sila ngayon for a week in China, magkasama din sila ng dad mo. Mas ok dito kasi walang masyadong bantay kesa dyan sa inyo."
"Sige magpapa alam ako."
"Basta huwag mong sabihin na may magbi birthday at magpa party tayo para payagan ka."
"Ok. Got it."
"Im so excited for tom."
"Good luck sa akin."
"You can do it!"
Pagbaba nya ay naabutan nya ang mga magulang na nasa hapag kainan na. Friday night ngayon at walang golf and daddy nya dahil bukas ng umaga ang flight nilang mag asawa papuntang China.
"Iha, halika ka na at ng makakain na tayo."
"Mom, anong oras po ang flight nyo bukas?"
"10am kaya 6am palang aalis na kami dito. Sure, ka ba anak na di ka sasama samin?"
"Hindi na po, wala naman akong gagawin dun at may meeting sa office next week. I need to be there."
"Sabagay, the last time na sumama ka dun di kadin naman nag enjoy."
"Dad, mom, pwede po ba ako mag overnight sa bahay nila xue bukas?"
"Why not here nalang, dito mo nalang sya patulugin."
"Eh dad, diba last time dito na sya natulog, kaya sabi nya dun naman daw kami."
"Are you going somewhere?"
"Po? Hin....hindi po, mag mo movie marathon lang kami and ill teach her to bake her favorite cake."
"Hmmmmm..... "
"Dad, sige na po please."
"Hon, sige na, payagan mo na, baka mainip din sya dito sa bahay dahil sya lang." Saad ng mommy nya.
"But promise us that you won’t do something we dont like ok, alam mo naman yang pinsan mo, baka kung san ka nun ayain at dalhin."
"Promise dad. I'll behave as always."
"Okey. Isama mo na si mang jun para ipag drive ka."
"Thanks dad and mom. I love you. Susunduin at ihahatid nalang po ako ni Xue.
Kinabukasan ay maaga syang nagising para makita ang mga magulang bago umalis.
Pagkatapos mag breakfast ay natulog sya ulit. Hapon na ng magising sya dahil sa walang tigil na pag tunog ang cellphone nya.
"Hello....."
"Kanina pa ko tawag ng tawag sayo, ano ba ginagawa mo?"
"Achi! Sorry, kakagising ko lang."
"Nagpuyat ka na naman sa kaka K drama mo no?"
"Hindi naman masyado."
"Tsk! Sya nga pala, baka ipasundo nalang kita sa driver ni dad, pero baka mamaya pa pag balik nya, may gagawin lang akong report para sa trabaho."
"Don’t worry, magpapahatid nalang ako kay mang Jun."
"Sige, punta ka na dito kung ganun."
"Ok. See you."
"Take care!"
Agad syang bumaba para mabilis na kumain at kinausap ang driver para magpahatid sya mamaya. Nang matapos ay naligo na sya at naghanda ng dadalhin.
Gabi na ng makarating sya sa bahay nila xue dahil na traffic sila. Kakatapos lang maligo nito.
"Where's sam?"
"Nagri ready nadin."
"Ano ba lulutuin ko?"
"No need."
"Okey, what are we going to watch?"
"We are not going to watch movie."
"Then ano gagawin natin?"
"We're going out."
"Huh?"
"Sabi ni Sam mag bar nalang daw tayo."
"Eh pano tayo makakalabas dito? Baka isumbong tayo."
"Don’t worry, nasabihan ko na sila."
"Sige na mag prepare ka nadin para maka alis na tayo. Susunduin tayo ni Sam."
"I’m ok with my clothes."
Nakataas kilay syang pinagmasdan ni xue mula ulo hanggang paa.
"No way! You're not going to wear that jeans and shirt tonight."
Agad itong lumapit sa closet at naghalungkat ng mga damit. Lumapit ito sa kanya bitbit ang sexy half halter dress.
"Wear this.... Galing kay Sam yan, alam nyang out of style ang attire mo kya binigay nya yan just for you to wear tonight, marami pa syang binigay na damit dalhin mo nalang pag uwi mo.... Im sure that will look great on you."
"Kailangan ba talaga?"
"Of course! Minsan ka nalang nga mag bar kaya dapat bonggahan mo na."
"Grabe ka!"
"Sige na! Bilisan mo dahil parating na si Sam."
"Okey! Okey!" Saad nya at kinuha ang dress para agad na magbihis.
"Oh my god! Ang ganda mo, bagay na bagay sayo yan. Ang galing talaga ng fashion style ni Sam."
"Thank you, hindi ba masyadong maiksi at revealing to?"
"Hindi naman. Ang sexy mo lang talaga. Come here! Aayusan kita."
"Huwag mong kapalan ang make up ko ah."
"Sakto lang, gabi naman ngayon tsaka more on glitters lang para shiny."
Hinayaan nitong nakalugay lang ang mahabang buhok nya na kinulot sa dulo.
Saktong natapos silang mag ayos ng tumawag si Sam at nasa labas ng gate na nag aantay.
"Hi girls! Are you all so ready to party?" Bungad sa kanila ni sam ng makasakay sila sa kotse at nagbeso beso.
"Thanks for my outfit, Z."
"Wow! You’re so gorgeous RJ. Bagay na bagay sayo ang ginawa ko."
"Kayong dalawa ah, wag kayong maglalaseng dahil hindi ko kayo kayang kargahin." Saad ni jia.
"Don’t worry, if that’s the case, maghahanap tayo ng kakarga satin pauwi." Natatawang saad ni xue.
"Achi! Nakakaloka kayo, sabi ko na may balak kayong dalawa eh."
"Ano ka ba, syempre depende din yun kung anong meron o sinong mga nandun. Pag may nagustuhan tayo oh diba ang saya nun, pag wala eh di tayo tayo lang." Saad ni Sam.
"Just enjoy there RJ. Minsan ka lang makalabas ng ganito." Saad ni Xue.
"Sayang wala dito si Bria."
"Dont worry next time kumpleto na ulit tayo."
Nang makarating sila sa loob ng bar ay di naman masyadong matao. Mukhang pang vip ang bar na hindi basta basta nagpapapasok ng kung sino sino.
"San nyo naman nalaman na may bar na ganito kaganda?" Manghang tanong ni Jia.
"First time lang din namin pumunta dito. Yung last raket ko binigyan ako ng passes dito, sayang naman kung di magagamit." Saad ni Sam.
"Iba ka talaga best friend, dami mong sponsor."
"More raket more fun and more adventure."
"Sana all." Sabay na saad ni Jia at Xue kaya nagtawanan sila.
"Hahaha!!! More passes more like this pa tayo soon. Siguradong matutuwa si Bria."
"Sabi nya pag dinalaw daw natin sya mag bar din tayo."
"Next year lets go there." Saad ni Sam.
"Sure!!!"
Habang umiinom ng sangria ay pasimpleng pinagmamasdan ni Jia ang paligid.
"Ang daming celebrity pala dito."
"Tambayan daw talaga nila to. Models, businessman, celebrities, Politicians. Sobrang ganda kasi lang talaga ng place at exclusive sa mga A list lang."
"Ano! baka mamaya may makakilala satin dito na kilala sila tito and dad, pano na yan?"
"Hey! Relax, di nila tayo mamumukhaan."
"Wala namang mga tanders dito kaya siguradong wala dito yung mga ka business meetings ng dad nyo." natatawang saad ni Sam.
"Tingnan nyo ang daming gwapo dito. Lalo na dun sa taas oh. VVIP na ata banda dun." Kinikilig na saad ni Xue habang nakatingin sa mga lalaki na nakatayo sa taas at nakatingin sa mga nagsasayaw sa dance floor."
"OMG! Ang hot nga. Parang nakatingin pa sakin yung isa oh." saad ni Sam
"Ang OA nyong dalawa, sa dim ng light dito makikita pa kayo. Ewan ko sa inyo." Natatawang saad ni jia.
"Good evening beautiful ladies, hope you’re enjoying the night." Biglang saad ng isang lalaking lumapit sa kanila. His handsome.
"Yes, we are!"
"Im Coby by the way, i want to give you our best new wine in town. It will make you the happiest in the world."
"No thanks, we're fine of what we got here." Saad ni Jia.
"Dont worry ladies, it’s in the house."
"Is that safe?" Tanong ni Sam.
"Yes maam, look its totally sealed and youll love it."
"Ok, let’s try girls. Just leave it here. Thanks, coby!"
"Your welcome ladies. Enjoy the night and may you find what your heart’s desire." Saad ng lalaki at umalis na.
Sinundan nila ito ng tingin at nakita nilang nag offer din ito ng alak sa iba pang tao na nandun kaya naisip nila na pa free nga siguro ng may ari ng bar at safe inumin.
"Come on let’s dance girls!" Saad ni Sam at tumayo na para hilain sila papunta sa dance floor.
They both love to dance. Isa yun sa mga nalaman nilang apat sa isat isa.
Sumayaw silang tatlo sa gitna na walang paki alam sa nasa paligid nila. The music is wild, and they move to the beat. They enjoyed so much.
Nang bumalik sa table nila ay binuksan na ni Sam ang wine at sinalinan ang mga wine glass nila.
"This taste good." Saad ni Xue na naunang uminom.
"Yeah! Ang sarap!" Saad ni Jia.
"So good that it energize my body to dance more later." saad ni Sam.
Habang nagki kwentuhan ay di nila namalayang halos naubos na pala nila ang wine. Dahil hindi sanay sa alak ay medyo nahihilo na si Jia.
"Come on let’s dance again." Saad ni Xue.
"Sunod nalang ako, ladies’ room lang muna ako." Saad ni jia.
Nang makalabas sya sa ladies room ay agad nyang hinanap ang dalawang kaibigan pero hindi nya ito makita, medyo marami nadin kasi ang mga taong nagsasayaw.
"Nasan na ba yung dalawang yun." Bulong nya sa sarili habang nagiikot ng biglang natulak sya ng mga nagsasayaw kaya napayakap sya sa taong biglang nasa harap nya.
"Oh my god! Im sorry, hindi ko sinasadya." Agad nyang saad ng maramdamang inaalalayan sya ng kaharap.
"It’s okey, are you alright miss?"
"Yeah! Thank you! Saad nya at napatingin sa mukha lalaking tumulong sa kanya.
"BLAZE SANTILLAN?" Gulat na saad ni nya ng masilayan ang mukha ng lalaking naka alalay sa kanya.
"I’m glad a gorgeous woman like you, know my name."