CHAPTER 38 Mae's POV Nanginginig ang buong katawan ko habang nakasandal sa malamig na sahig. Ang kamay ko, mahigpit na nakahawak sa leeg ko, pilit na kinakapain kung may natitirang bakas ng kamay ni Ashero. Malalim ang bawat hiningang pilit kong hinahabol, at sa bawat pagpasok ng hangin sa baga ko, mas lalo kong nararamdaman ang sakit—hindi lang pisikal kundi pati sa puso ko. Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang Asherong minahal ko, ang Asherong nangakong mamahalin ako habang buhay. "Ashero… bakit?" mahina kong bulong, kahit alam kong hindi niya maririnig. Pero kahit marinig niya, magbabago ba siya? Babalik ba siya sa dating Asherong mahal ako? "Huwag mo akong tingnan nang ganyan," malamig ang boses niya, puno ng inis. "Kung gusto mong mabuhay, matuto kang manahimik, Mae." Napa

