CHAPTER 45 Keith POV Kinabukasan, maaga pa lang gising na ako. Hindi ako makatulog kagabi. Pabalik-balik sa isipan ko yung sinabi ng doctor kay Mae. Nine days… tapos ngayon, seven na lang. Ang bilis ng oras. Parang kailan lang, sinusundo ko pa siya sa emergency room, halos wala ng buhay. Tumayo ako sa gilid ng kama habang pinapanood kong pinupunasan ni Cristine ang katawan ni Mae. Nakaupo lang si Mae sa wheelchair, tahimik, pero alam kong pilit niyang nilalabanan ang emosyon. Naiintindihan ko siya—kung ako nga, halos di ko kayanin ‘to, siya pa kaya? “Ate, okay ka lang?” tanong ni Cristine habang nilalagay ang medyas sa paa ni Mae. “Oo… Okay lang. Masakit lang katawan ko, pero keri naman,” pilit na ngiti ni Mae. “Wala ka ng dextrose, ha. Pwede ka nang tumayo pag gusto mo,” sabay himas

