CHAPTER 30 Third Person POV Lumipas ang ilang buwan at ngayon ay pitong buwan nang nagdadalang-tao si Mae. Halos araw-araw ay nararamdaman niya ang bigat ng kanyang tiyan—hindi lang dahil sa laki nito kundi pati na rin sa buhay na dinadala niya. Si Ashero naman, hindi na halos mapalagay sa tuwing makikita ang asawa niyang hirap sa paglakad. Kahit gusto niyang palaging buhatin ito, natatawa at natutuwa na rin siya sa pagiging matigas ang ulo ni Mae. "Mahal, buhatin na kita," alok ni Ashero habang inaakay si Mae palabas ng sasakyan. "Huwag na, kaya ko pa," sagot naman ng babae, kahit halata namang nahihirapan na siya. Napasimangot si Ashero. "Mahal, ang dami mong dala sa tiyan, hindi na biro ‘yan." Napangiti si Mae habang marahang hinawakan ang kamay ng asawa. "Alam mo bang sobrang th

