Teacher's Enemy Lady_ROXIE23✍️ Chapter 34 ... 3rd Person POV Ngisi-ngising si Rafael at bumaba mula sa kotse ni Anika, tila buo ang araw niya ngayon dahil nararamdaman niyang may pag-asa pa siya. May nangyari sa kanilang dalawa pero kahit wala siyang maalala ay alam niyang meron dahil sa ikinikilos ni Anika. Hindi normal ang kilos ni Anika para sa kanya. Muntik na ngang sirain ni Lucas ang araw niya dahil sa pagtawag nito sa numero ng kanyang Anika. Sigurado siyang si Anika ang tinutukoy ni Lucas na popormahan daw nito kuno. Pero kung totoo nga ay hindi siya papayag na makuha ni Lucas si Anika kahit na alam niya sa sarili na malaki ang tsansa na hindi ito magustuhan ni Anika lalo na at ngayon Y may kapal na siya ng mukhang kunin si Anika. At alam niyang may tsansa na din siya dahi

