Chapter 17 … "Hello?" walang gana kong sinagot ang tawag. "It's me Red." Napatigil ang pagsubo ko nang pagkain nang marinig ko ang boses ni Daniel. "Anong kailangan mo?" walang emosyon kong sabi. Binaba ko ang kutsarang hawak ko at sandaling uminom ng tubig at umaasang sa pamamagitan niyon ay mapapakalma ako ng tubig. "Pumunta ka dito ngayon na kung hindi ay alam mo ang mangyayari, alam kong mahalaga sayo ang properties ng Mommy mo at bilang Ama mo ay gusto kong ibigay 'yun sayo," sabi ni Daniel mula sa kabilang linya na akala mo ay mabait. Nagtagis ang mga bagang ko, wala talaga siyang sinasanto, bwisit siya! "Wait for me." Pagkatapos ay saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko, nasa kusina ako ngayon at nag-aalmusal. Papasok sana ako ngayon pero ang bwisit na si Daniel ay sinira an

