Teacher's Enemy Lady_ROXIE23 Chapter 42 … Maaga kaming gumising para lang magdate kuno kami ni Rafael. Syempre nag-almusal muna kami bago kami umalis ng school. Baka mabangga pa kami dahil lang sa panghihina dahil hindi kami kumain. At kasalukuyan na kaming nasa byahe. Nakahilig ako sa upuan ko habang si Rafael naman ang nagdridrive papunta sa pagdadausan ng date namin. Ang masasabi ko lang ay masaya ako at hindi ko alam kung saan na nakaabot ang nararamdaman ko para kay Rafael. Oo inaamin ko na, may nararamdaman ako sa kanya pero hindi ko alam kung saang level na ako dahil hindi naman ako pamilyar sa ganitong pakiramdam. "Nandito na tayo." Anunsyo ni Rafael kaya nagmamadali akong tumingin sa labas at napangiti na lang noong makita ng mga mata ko ang pamilyar na park. Lumabas aga

