❀⊱Kimie's POV⊰❀ Tapos na akong maglinis ng penthouse ng asawa ko na soon ay mukhang ex-husband na dahil magkasama na sila ni Phoebe nuong isang araw. Hindi ako umuwi dito kahapon kahit na ilang beses niya akong tinawagan. Sa inis ko ay pinatay ko ang phone para hindi na niya ako makontak pa. Kaninang umaga lang ako umuwi, sinigurado ko na wala na sya dito. Ayokong makita ang pagmumukha niya, masyado na akong nahihirapan. Sana lang ay balikan na niya si Phoebe para matapos na rin ang lahat ng pagpapanggap na ito. Gusto ko ng makabalik sa dati kong pamumuhay. I can’t stand him, and I want him out of my life as quickly as possible. Napatingin ako sa elevator ng marinig ko ang mahinang tunog nito. Nakita ko ang ilaw ng numero na unti-unting umaakyat dito sa penthouse. Kinabahan ako, mukhang

