❀⊱Kimie's POV⊰❀ Kababalik lang namin ng Manila, at katulad ng gustong mangyari ni Rouge ay duon na kami umuwi sa kanyang napakalaking estate. Tinawagan ko agad ang mga magulang ko at sinabi ko sa kanila na nakabalik na kami ng Manila. Kinamusta nila ako, lalo na ang relasyon namin ni Rouge, at sinabi ko naman sa kanila na maayos ang relasyon namin at wala silang dapat alalahanin. Kinamusta ko rin ang kapatid kong si John, at ayun na nga at panay na ang reklamo niya sa akin dahil mag-isa niyang hinaharap ang mga trabaho na dapat ay pinagtutulungan namin. Sinabi ko naman sa kanya na baka bukas o sa isang araw ay puntahan ko siya sa opisina upang matulungan sa mga trabaho. Sinabi ko na rin ito kay Rouge at okay naman sa kanya at ang sabi niya ay wala naman daw problema. Nuong una nga ay

