❀⊱Kimie's POV⊰❀ Hindi ko alam ang iisipin ko. I know na hindi pa rin siya nawawala sa puso ko, but it doesn't mean patatawarin ko siya sa mga kasalanan na nagawa niya sa akin. Hindi ko ikinatutuwa na muli siyang nasa paligid, but just like what Kayden said, kahit na umalis kami dito at lumipat ng ibang lugar... susundan lang niya kami kaya mas gusto ko na lang na manatili muna dito. Kasi dito kahit papaano ay nababawasan ang iniisip ko, at saka ngayong alam na nila kung nasaan ako, pwede nang bumalik-balik ng Manila si Rasselle para maasikaso niya ang kanilang negosyo na naiwanan niya duon. Although, nauunawaan naman nila Tita kung bakit nandito ang anak nila, mas okay pa rin na kahit na papaano ay nakakabalik siya sa kanyang pamilya. Alam ko naman na miss na miss na niya ang mga ito. So

