❀⊱Kimie's POV⊰❀ Sakay kami ng sasakyan na minamaneho ng driver namin ni Rouge, papunta sa tinutuluyan nila Phoebe. Paulit-ulit pa rin sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Lhezel kanina. Parang may tumimo sa puso ko... isang kirot na hindi ko maipaliwanag. Tama naman siya, hindi ba? Paano ko nga ba magagawang maka-move on sa sakit na idinulot sa akin ni Phoebe kung hindi ko man lang siya bibigyan ng pagkakataong magpaliwanag, kung hindi ko susubukang pakinggan ang mga sasabihin niya? Alam kong hindi madali, pero kung gusto kong gumaan ang pakiramdam ko, kung gusto kong tuluyang mawala ang bigat sa puso ko, bakit hindi ko siya subukang patawarin? Gusto ko na rin namang tapusin ang lahat ng galit na dinadala ko dito sa puso ko. Mas magiging madali ang lahat kung bibigyan ko si Phoebe n

