“OKAY NA BA ANG PAKIRAMDAM MO?” nagulat si Khara sa biglang pagsulpot ni Daimon sa kanyang likuran. Kakalabas lamang niya ng kanyang kuwarto dahil nakaramdam siya ng pagka-uhaw. Kanina pa siya nagising pero minabuti niya na mapag-isa muna sa kuwarto niya bago harapin ang number one enemy niya. Nilingon niya si Daimon na pawisan at may nakasampay na pulang bimpo sa may balikat nito. Mukhang galing ito sa gym. “I-Ikaw ba ang---” Nilampasan siya ni Daimon at nagtungo ito sa kusina. Tumapat ito sa refrigerator at inilabas doon ang pitsel. “Yup. Nawalan ka ng malay pagkatapos mo akong banggain kanina sa may beach. Mukhang wala ka nga sa sarili dahil hindi mo pa ako nakilala. Sobra akong nag-alala kung napano ka na,” seryosong sabi nito habang kumukuha ng baso. Nang lingunin siya nito ay hin

