"Library lang,"
Muntik na manlaki ang mata ko pagkarinig sa boses ni Cole. Nasa pinto siya sa labas ng library, ako naman ay nasa loob malapit sa pinto.
"Iyan lang ba ang hihiramin mo?"
Timikhim ako at tumango sa librarian na kausap ko. Isinulat niya ang mga libro na kinuha ko at pag-angat ng tingin ay lumagpas ang mga mata niya sa akin. Kahit hindi pa niya binabati si Cole ay alam kong nasa likuran ko na siya.
"Isasauli ko lang," halos panayuan ako ng balahibo sa malalim niyang boses.
Pasimple akong lumayo para bigyan siya ng pwesto at hindi magdikit ang mga braso namin. Napangiti ang librarian sa ginawa ko, hindi ko alam kung paano nila nalaman pero bigla nalang kumalat ang pagkakagusto ko kay Cole.
Napahawak ako sa batok ko at marahan na minasahe iyon, nahihiya na may panunukso sa mata ng librarian. Nanatili sa mga librong nakalapag sa lamesa ang tingin ko. Halos hindi ako huminga sa dalawang beses na paglingon sa akin ni Cole.
"Wala kang kukunin na libro ngayon?" Kausap sa kanya ng librarian pagka-kuha ng librong ibinalik niya.
"Meron sana, kaya lang may nauna na yatang nakakuha,"
"Ano bang libro? Ipapa-check ko,"
Tumalikod siya at bahagyang lumapit sa akin. Dumikit ang likod niya sa braso ko dahil sa ginawang pagbati sa mga kakilalang palabas sa pinto ng library.
Binalikan niya ng tingin ang librarian at sinulyapan ang mga kinuha kong libro.
"Kukunin mo ba iyan?" Sa halip na ang librarian ang kausapin niya'y ako ang tinanong.
Kinagat ko ang ibabang labi at naisip na nasa libro ko ang tingin niya, natanto kong maaaring isa rito ang librong kailangan niya. Isang beses ko siyang sinulyapan at marahan na tumango.
Nasa mga libro na ulit ang tingin ko subalit tumatak na sa isipan ko ang mga mata niya. Bahagya siyang nakayuko kanina nang sulyapan ko, wala sa libro ang titig kundi nasa akin.
"Ah! Parehong libro ba sana ang kukunin niyo? Pwede naman kayong mag-share nalang!"
Pinamulahan ako at inayos ang salamin. Paulit ulit kong hinimas ang batok ko dahil nakakailang ang panunukso ng librarian sa amin.
"Ikaw nalang ang mauna," bulong ko at kinuha ang libro para ilipat sa tapat niya.
Bago ko pa iyon maipatong sa lamesa na katapat niya'y napigilan na niya ako. Nakahawak sa pulso ko ang malambot niyang kamay. Kinabahan ako na baka maramdaman niya ang malakas na t***k ng pulso ko dahil sa biglaan na pagdikit ng balat namin.
"Hindi na, ikaw nalang muna. I'll just text you to ask if you're done. Pupuntahan kita sa classroom niyo para kunin ang libro,"
Napahagikhik ang librarian. Ang ibang estudyante na lumapit sa kanya'y napatingin rin sa amin ni Cole. Mabilis kong hinila ang kamay ko na hawak niya pa rin sa pulsuhan.
"Okay,"
Umalis ako roon pagkatanong sa librarian kung okay na. Nagkaroon pa ng kaonting tuksuhan bago ako tuluyang nakalabas.
Hindi ko alam kung bakit inabot na ng dalawang linggo ang pag-iwas ko sa kanya. Siguro naging playing safe ako? Hindi ko man lang naisip na siguro naman walang katotohanan ang mga haka haka ni Enzo.
Cole didn't give me false hope. Kahit pa nagkakausap kami'y wala naman siyang sinabi na umasa ako, kung hindi ako ang type niya dapat maging patas ako. It doesn't mean that I like him, he can like me too.
I realized, so when he texted me, I replied. He told me that if I was done, I wouldn't have to return it to the library. That he will just come to me to get the book. Noon ko lang din naalala na nakuha niya nga pala ang number ko.
Me:
I'm done. Nasaan ka? Ako nalang ang pupunta dahil patapos na rin ang klase ko.
Inayos ko ang mga gamit na nasa lamesa at hindi na binisita ang phone kahit naramdaman ko ang pag-vibrate nito. Sa labas ko nalang titignan kung ano ang reply niya.
Yakap ko ang librong hihiramin ni Cole. Nasa bungad pa ng pinto at hindi pa tuluyang nakakalabas ay narinig ko na ang boses niya.
"Hindi pa ba nakaalis si Eia?"
Parang hindi ako makahinga sa kaisipan na naghihintay siya sa akin sa labas. Hindi ako nakagalaw at nanatili sa dingding sa gilid ng pinto kung saan hindi nila ako nakikita.
"Nasa loob pa! May usapan kayo? Nililigawan mo na?"
Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi at pumikit ng mariin sa ilalim ng salamin pagka-rinig sa tawa niya.
Nakakahiya! Bakit kailangan itanong ng kaklase ko iyon? Nakakahiya lalo at wala naman talaga siyang balak manligaw. Baka mapag-usapan pa kami dahil sa pag-punta niya rito.
"Ah! Hindi pa!"
Nagulat ako sa sagot niya. Dumilat ako at nanlalaki ang mga matang tinignan ang pinto na isang hakbang nalang ang layo sa akin. Hindi pa? Ibig sabihin...
"Hindi pa? Pero balak mong ligawan? May gusto sayo iyon, di ba? Sasagutin ka kaagad niyan!"
Narinig ko ulit ang mahinang tawa ni Cole. Lumapit ang ibang mga kaklase ko at mukhang pinagkaguluhan siya para ipilit ang kumalat na balitang may gusto ako sa kanya.
"I think you just heard it wrong. I don't think she likes me. She doesn't seem to like me at all.."
"May gusto siya sayo! Sa kapatid niya na nanggaling! Imposible na magsinungaling iyon!"
Tahimik akong suminghap. Kung ganoon si Ate pala ang nagpakalat? Nagdadalawang isip tuloy akong lumabas dahil ako ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung anong exit ang gagawin dahil nasa labas silang lahat.
"Pero balak mo nga manligaw?"
"Liligawan mo siya Cole? Si Alona ba hindi mo nililigawan?"
"Si Alona? Wala akong balak manligaw sa kanya."
"Wala? Ang ganda ni Alona! Wala ka bang gusto 'don?"
"Wala," mabilis na sagot niya.
Pakiramdam ko tsismosa akong palihim na nakikinig dahil interesado sa pinag-uusapan nila.
"Hindi manliligaw kay Alona! Siguro may ibang balak ligawan!"
Nag-ingay sila sa labas. Tinutukso si Cole tungkol sa panliligaw sa akin.
Mahinang tawa lang ang naging sagot niya. Ilan sandali pa'y tumahimik at tinigilan na rin siya ng mga kaklase ko, siguro dahil alam nila na kahit anong pilit nila hindi sila bibigyan ng sagot ni Cole.
Huminga ako ng malalim at sinaway ang sarili dahil bigla akong umasa sa mga naging sagot niya. Hindi niya diretsong sinabi na manliligaw siya pero sa mga pagtawa at hindi niya pag-sagot ay nagkaroon ng laman ang katahimikan niya. Katulad ko, sa tingin ko'y ganoon din ang naging tingin ng mga kaklase ko sa hindi niya pag-tanggi.
Humigpit ang yakap ko sa libro pagkalabas. Nakasandal siya sa railing, nakaabang sa paglabas ko. Kahit alam kong narito siya sa labas ay nabigla pa rin ako na makita siya. His deep and expressive eyes were deeply staring at me. Kahit makapal ang salamin ko'y pakiramdam ko nakikita niya ang kaluluwa ko.
"Hi!" umayos siya ng tayo at hinintay ang paglapit ko.
Napalunok ako at pakiramdam ko'y mahihimatay ako sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Ni hindi ko nagawang bumati pabalik. Inunat ko lang ang mga braso para iabot ang libro na ipinunta niya rito.
Nakatitig siya sa akin at matagal iyon bago kinuha. Nang kunin niya iyon ay hindi pa siya umalis sa harapan ko, ganoon din ako. Para kaming naghihintayan kung sino ang mauunang magsalita.
"May nagawa ba ako?"
Umawang ang labi ko at tumutok sa kanyang mga mata ang tingin. Mataman siyang nakatitig sa akin pabalik, nakababa ang kamay na may hawak na libro, ang isang kamay ay nakapaloob sa bulsa. Katulad ng madalas kong makita na ayos niya ay nasa balikat niya ang gitara. Sa kabilang balikat ay ang itim na bag.
"Actually, the truth is.. I came here to ask why are you avoiding me?"
Bumaba ang tingin niya sa libro. May alanganin na ngiti ang labi niya nang inangat niya iyon.
"Ginamit ko lang itong libro para mapuntahan ka at makausap. I know we are not close, but we are casually talking the last time.. kaya nagtaka ako.. naisip ko na siguro naiilang kang lumapit at makipag-usap dahil tinutukso nila tayo.. kahit wala ka naman talagang gusto sa akin.. and ah, maybe I can't talk to them if you're uncomfortable?"
Sunod sunod ang naging pagkurap ko. I know this is close to impossible.. pero bakit pakiramdam ko.. nakikita ko sa mga mata niya.. sa mga salita niya na..
"No! It's fine! Okay lang!" Natataranta at nagmamadali kong sagot.
Napayuko ako at marahan na pumikit. Pagdilat ko'y sa librong hawak niya tumama ang aking mata.
"Okay lang na? Na.. tinutukso tayo?" Tanong niya. Bahagyang nakayuko at hinuhuli ang mga mata ko para magtama ang tingin namin.
Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ako sobrang prangka at hindi rin ako pakipot. Kung ano lang ang nararamdaman ko at kung ano ang napapansin ko, sinasabi ko na. Kung sasabihin ko na gusto ko siya at least malalaman ko kung kailangan ko na bang tigilan ang nararamdaman ko kapag sinabi niyang may iba siyang gusto.
"You don't have to stop them.." ibinigay ko sa kanya ang atensyon at matapang na tumitig sa kanyang mga mata.
"Okay," marahan siyang tumango. "I don't have to talk to them.. because?"
Umayos siya ng tayo. Salitan tinitigan ang mga mata ko. Naghihintay ng karugtong na sagot sa sasabihin ko.
Huminga ako ng malalim para humugot ng tapang sa sunod kong sasabihin.
"Dahil totoo ang sinasabi nila na gusto kita," walang kurap at diretsong pag-amin ko.
Malakas ang paghampas ng dibdib ko pagkatapos sabihin iyon. Matapang ako kanina pero biglang kinabahan ng makita ang gulat na nakapaloob sa mga mata niya.
Bumuka ang labi niya at muling isinara. Sinuklay niya ng mga daliri ang kanyang buhok at mahinang natawa na parang hindi makapaniwala.
"Pero bakit mo ako iniiwasan?" Nagtataka, pero nangingiti na tanong niya.
Wala nang dahilan para hindi ko sabihin sa kanya kung bakit. Naka-amin na ako kaya bakit ko pa ide-deny na nagseselos ako kay Alona?
"Because I thought you like Alona-"
"No! I don't like her! I mean.. I like someone else.."
Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Wala naman siyang sinabi kung sino pero..
"Madalas ko kayong makita na magkasama-"
"We're classmates! May mga group projects na magkasama kami,"
"Uh, okay.." wala na akong masabi ngunit parang ayoko pang maputol ang pag-uusap namin.
Natahimik kami lalo noong dumami ang dumaraan na mga estudyante kung nasaan kami. Kinagat ko ang ibabang labi at napaisip kung ano ba ang dapat kong gawin lalo't ngayon lang ako kinain ng hiya sa ginawa na pag-amin ko sa kanya.
Titingalain ko sana siya para magpaalam subalit napasinghap ako sa biglaan niyang paghila sa isang kamay ko palapit sa kanya. Nasa railing siya kanina, ngayon ay ako na ang nakasandal sa railing dahil pinagpalit niya ang pwesto namin.
May mga grupo pala ng kalalakihan na dadaan kanina, nakatalikod doon ang isa habang naglalakad at kung hindi niya ako hinila ay baka bumangga ako sa lalaki.
"Sorry," he apologize but he didn't let go of my hand.
Ngumiti ako sa kanya at sinundan ng tingin ang likod ng mga lalaking muntik na akong mabangga. Nagtagal ang tingin ko doon habang pinapakiramdaman ang mainit niyang hininga na tumatama sa pisngi ko.
"Eia Felicity," he softly whisper my name and placed his other hand on the railing beside me.
He's practically caging me. Hawak niya ang isang kamay ko. Nakasandal ako sa railing at nakapatong ang isang kamay niyang may hawak na libro sa railing na nasa gilid ko.
I parted my lips. I couldn't breathe because we were so close. Namimigat ang mga talukap ng mga matang tinitigan ko ang mga kamay namin, lalong humigpit ang hawak niya doon sa halip na bitawan ako.
I swallowed hard and from our hands I lifted my eyes on him. He's gently looking down at me. His eyes were soft and tender. His eyes were very transparent, walang pagdadalawang isip na pinapakita sa akin ang nararamdaman niya.
"Gusto rin kita at kung papayag ka.. liligawan kita.." seryoso ang boses niya na nakapag-pangiti sa akin.