"Mag iingat ka don anak. Kapag nagkita na kayo ni Abby ay pakamustahan mo ako sakanya ha? Namimiss ko na din ang batang iyon." Saad ni nanay. Nagtetext parin naman sa akin si Abby at minsan ko nga lang din siya narereplyan dahil sa busy ako sa mga trabaho ko dito. Nagkakausap din naman sila ni nanay kaso iba parin talaga kapag kasama mo ang babaeng iyon. Makakalimutan mo lahat dahil sa pagiging loka loka niya. "Opo, sasabihin ko po sakanya." Ngiting sagot ko. "Ate, ilang araw kayo doon?" Tanong ni Kiko na nanonood sa akin na nag iimpake. "Hindi ko alam bunso eh pero hindi naman kami magtatagal doon ng isang buwan. " biro ko sa huling sinambit ko at nakita ko ang gulat at pamimilog ng mata niya. "Bakit isang buwan ate? Ang tagal naman." Reklamo niya na kinatawa ko. "Biro lang, baka is

