Carmella POV "Ouchh!" daing ko nang masaging mahiwa ko ang daliri ko sa hinihiwang sibuyas. "Naku Maam! Nasugat ka!" gulat ni Manang Linda at agad kumuha ng tissue. "Kukuha po ako ng gamot." taranta nito at lumabas sa kusina. Pinunasan ko ang daliri kong nasugat hanggang sa natulala akong pinagmamasdan ang dugo sa tissue na hawak ko. Biglang nag-init ang gilid ng mata ko ng makita ko ang imahe ni Kiko. Napapikit ako ng makaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko. bigla akong nakaramdam ng takot. Ibang-iba sa naramdaman ko ng malaman sa iba na siya ang may kagagawan lahat kumpara sa mismong maririnig mo sakanya. Ang buong akala ko noon ay kakampi namin siya. Akala ko bukal ang pagtulong niya sa amin pero siya pala ang likod ng mga kaganapang ito. Siya ang pumatay sa tatay ko. Ngayon ay tina

