Carmella POV "Ate magpatulog ka naman." Ungot ng kapatid at napakamot pa ito sa mukha dahil sa inis. Gumilid na humarap siya sa akin at agad nakabalik ulit sa pagtulog nito. Napabuntong hininga ako. Paano ba ako makakatulog nito kung ayaw umalis sa isip ko ang darating na bukas. Gumilid ako para harapin ang kapatid kong nakangusong natutulog. 'Bunso. Magkikita kami bukas ng kuya Bry mo. Kaya ko na bang humarap sakanya pagkatapos natin siyang iwan?.'bulong ko sa isip. Napapikit ako. Bumalik ang mga ala alang pilit kong kinalimutan ng mapadpad kami dito. Pero hindi ko pala kaya. Hindi ko pala kayang kalimutan siya. Ang lalakeng huling umangkin at nagparamdam ng halaga ko bilang babae. Pero ang hirap. Hindi ko magawang magalit sakanya matapos kong malaman na may alam siya sa pagkamatay n

