"Siraulong Troy talaga yun! Alam ko na eh! Noon pa ay alam ko nang may tinatagong kulo din yan eh. Eh di sakanya rin mismo nanggaling na kinakampihan niya ang mangkukulam niyang nanay! Sarap nilang tirisiiiiiiiinnnn!" Gigil na lintaya ni Abby. Pagkalabas din kasi namin doon ay sumalubong pa ang ibang empleyado. Ibang mga tingin ang binigay sa akin pero tinago lang ako ni Bry sa mga braso niya at tinakpan ang mata ko para hindi ko makita ang talim na tingin ng ibang empleyado sa akin na kakilala ako. Tinulungan si Troy ng mga security guard nila ng mismong mall at hindi naman sila makapagkaso sa amin dahil ako ang naargabyado at nasaktan. Pero may parte din doon na pwedeng ilaban kay Bry dahil sinaktan din niya si Troy. Kaso ang sabi sa akin ni Bry ay huwag nalang daw ako mag alala. Nap

