"Ate!" Napabalikwas ako at bumangon agad. Naalimpungatan ako sa sigaw ng kapatid ko sa akin na ngayon ay nasa tabi kong nakangusong nakahalukipkip. Napahilamos ako ng mukha at inayos ang buhok ko. "Kumain ka na?" tanong ko sa kapatid ko saka sinuot ang tsinelas. "Hindi pa po kasi inaantay kita." usal niyang nakasimangot. "Sorry bunso at napahaba ng tulog ni ate. Ano ang gusto mong kainin ha?" lambing ko saka niyakap at hinaplos ang ulo. Tumingala naman sa akin. "Gusto lang kitang makasamang kumain ate." aniya niyang nakatingalang nakatingin sa akin. Hinawi ko ang ilang bangs na tumatakip sa mata niya at mukhang kaliligo lang ito dahil amoy ko pa ang shampoo at sabon na ginamit niya. Hinalikan ko ang noo niya at niyakap siya ng mahigpit. "Namiss mo si ate no." Saad ko na kinatango ni

