"Thana? Im sorry," umiiyak na sambit ni Kat papunta sa akin. Kasalukuyan kaming nandito sa kusina at kumakain ng breakfast. Kumunot naman ang noo ko sa ekspresiyon ng mukha niya. "Oh, bakit umiiyak ka riyan? Kung iniisip mo ang nangyari kagabi huwag mo nang pansinin iyon. Ako pa nga ang dapat na mag-sorry kasi nag-eskandalo kami rito sa bahay mo," malungkot kongani sa kaniya. "Ako kasi ang nagsabi kay Aenon na iisa lang tayo ng tinitirhan. Hindi ko naman kasi alam na matalik pala silang magkaibigan promise. Alam mo namang wala akong pakialam kay Aenon. Idol na idol ko si H eh," paliwanag niya sa akin. Ngumiti ako ng tipid sa kaniya. Umiiyak at talagang lumuhod pa siya sa harap ko. Agad naman akong tumayo at pinatayo siya at niyakap. "Ano ka ba? Okay lang 'yon ang importante nandito

