Thana's POV Mga gonggong talaga lumabas na lamang ako at nag lakad lakad sa labas ng subdivision. Nakalimutan ko pang magdala ng payong umaambon pa naman at gabi na. "Litse naman oh, ngayon pa talaga?" Ani ko habang nakatingin sa malamig at madilim na gabi. Lumabas na ako dahil baka hindi ko kayanin at mag-break down ako sa loob. Ikaw kaya makita mo ang mahal mong may kayakap na babae wala pang suot na damit ewan ko na lang. Nakita kong may playground kaya umupo na ako. Bahala na kung mabasa ako. Kailangan ko lang talagang makahinga at mailabas ang sakit sa puso ko. Napabuga ako ng hangin nang maalala ang nakita ko kanina. Tumingala ako at hinayaan ang luhang umagos sa mga mata ko. "Sige, iiyak mo lang 'yan Thana. Ikaw lang naman mag-isa eh. Walang makakakita. Kaya mo 'yan," kausap

