Napabuntonghininga ako at saka muling ibinalik ang phone ko sa loob ng bag ko. Malapit nang matapos ang klase ngunit wala pa ring reply sa chat ko si Valentin. Nakita ko namang nabasa niya ang chat ko kaniang lunch break pero hindi niya iyon sinagot. Hinihintay pa nitong mangulit din ako sa chat gaya ng ginagawa niyang pangungulit sa akin? Huh, manigas siya. Hindi ko gagawin iyon. Bahala siya kung ayaw niyang sumagot. Hindi ko siya kukulitin at pipilitin. Sinubukan kong mag-concentrate sa klase namin pero wala kong maintindihan sa lecture ng teacher ko. Nakakainis pero aminado akong binabagabag ako ng hindi pagsagot ni Valentin. Ano ba ang problema niya? Nagseselos ba siya sa Papa niyang kasama ko kagabi kaya nagpaparamdam siya nang ganito sa akin ngayon? Para sabihin ko sa kanya, wa

