Nais sanang buhayin ulit ni Lexi ang guard nina Kim subalit pinigilan siya nina Duncan. Gaya ng sabi nila, hindi dapat makialam sa natural flow ng kalawakan, sa takdang kamatayan ng tao at hindi rin siya dapat maglabas ng ganung kalakas na kapangyarihan sa mundo ng mga tao dahil maaaring lapitan siya ng ibang nilalang na naeengganyo sa malakas na energy. Umuwi muna sina Lexi sa hacienda. Isinama nila si Kim, ang yaya nito at si Efraim. Inasikaso ni Mikael ang katawan ng napatay na guard. Tumawag ng morgue at funeral services. Inireport na lamang nila na heart attack ang cause of death, syempre sa tulong ni Cyrie na kayang magmanipula sa utak ng tao. Tinawag nila ito para maayos at macover up ang nangyari. Bumalik si Duncan sa Spirit World para magbilin sa kanyang kanang kamay at pinuno n

