"Gusto kong lumabas dito, pero bakit ako magtitiwala sa'yo, Rapier? Isa kang Hunter. Hindi ka papayag na may spirit na basta na lang makalabas dito, lalo na ako," giit ni Adder. "Nagsasawa na akong manatili dito. Gusto kong makita ang asawa ko, at kasama niya ngayon ang kabiyak mo," tipid na detalyeng saad ni Rapier. Napaangat sa kinauupuan si Adder. Tumalim ang tingin. "Si Addra? Niloloko n'yo ba ako? Paano akong maniniwala sa 'yo?" Sumingit sa usapan si Pantheon. "Addra pala ang pangalan niya. Maganda siya. Mayroon siyang combination ng yellow at brown prints sa skin." Para ipaalam kay Adder na totoong nakita niya ang partner nito. "Huwag mong mababanggit na may g**o sa mundo, at may kasunduan ang dalawang panig. Aabusuhin ni Adder 'yan, at gagawa ng bagay para sa advantage niya," pa

