"Sinabi ko nang bilisan mo, nakipagtitigan ka pa?" Pinapagalitan ako ni Rome habang nasa hapag kami. Pagkatapos sa show, tumigil kami sa restaurant para magdinner. Sinabi ko sa kanya na nakita ako ni Lucas. Kahit alam kong nakita ako ni Lucas, normal akong kumilos. Dinampot ko ang aking bag at kahit kabado ay normal na naglakad palabas. "Bakit ba kasi kailangan kong umiwas? Bakit kailangan mo akong itago mula sa kanya?" Dahil ba mag-aaway sila ni Catelynn kapag lumapit ako? O no'ng model? "Dahil malaki ang galit sayo ni Lucas!" Tili niya na para bang hindi siya makapaniwala na nakita ako ni Lucas sa loob lamang ng isang araw. "Bakit nga? Ano ba ang problema? Sige, galit siya sa akin. Kahit noon pa naman, kaya ano ang bago doon?" Naging seryoso siya at huminga ng malalim. Tiningnan ni

