Katatapos ko pa lang maligo at hindi pa tuluyan na natutuyo ang buhok nang marinig ko ang tunog ng doorbell at sinabayan pa ng katok. Sa tuwing mayroon kumakatok ay nagiging alerto ako. Maging si Aina’y nasabihan ko na huwag basta-bastang magbubukas ng pinto. Kahit hindi alam ni ate at nang boyfriend niya kung nasaan ako ngayon, nag-iingat pa rin ako. Sumilip ako sa peephole at agarang nakita ang malaking mukha ni Rome. Mukhang sinusubukan akong silipin mula sa loob. Tumayo siya nang maayos at maarte na nilantik ang braso na mayroong sukbit na shoulder bag. Nakatakong na sapatos at magarbong damit. Umirap ako sa hangin bago siya pinagbuksan ng pinto. “Do fashion designers dress like that nowadays? Para kang rarampa sa fashion show palagi kung manamit.” “Good morning!” Bati niya sa akin

