We stayed there for ten days until he got his rest and recovered a little. Medyo tuyo na ang sugat niya sa labas pero kailangan pa rin mag-ingat para hindi ma-infection sa loob. "Are you sure you can drive?" Hindi ko hiniwalayan ng mata ang braso niyang nakabenda pa rin. Nag-aalala ako kahit na paulit-ulit siya na kaya niya. Hindi ba ito mapupuwersa gayong mahaba-haba ang ba-biyahihin namin? "Yeah." Inayos niya ang mga gamit namin sa backseat at sumakay na sa sasakyan. Wala na ang mga bantay dahil tumawag ang kaibigan niya na clear na ang lahat. Wala nang tauhan at kahit katiting na pera ay wala na rin si Benjamin Gonzales. Ang natira na lang sa kanya ay maraming atraso. Nakikinita ko na ang mga pagpapahirap sa kanya habang nasa loob siya ng kulungan. Ang lalaki na tumulong sa akin at

