“Kanina pa ako nandito, saan ka ba galing? Nakalimutan mo na ba na may mga meetings tayo with the investors from Dubai?” naiinis na tanong ng kapatid ko na si Kenneth. Nakaupo ito sa sofa dito sa aking opisina ng datnan ko. Mukhang nayayamot sa pag-alis ko kanina. “Bakit ba ang init ng ulo mo?” nangingiti na tanong ko dito habang hinahaplos ko ang aking labi. I still tasted and smell, Jevie. Parang droga ang dalaga na ang hirap tigilan. “Mabuti na lang tinawagan ako ng secretary mo. Kung hindi, magagalit talaga ang mga kausap natin, baka lumayas pa yun at lumipat sa iba. Malaking kawala sila kung sakali. Ano ba Kuya?! Bakit parang wala ka sa sarili?” “I just came from Jevie's boutique,” tipid na sagot ko sa aking kapatid na nanlalaki ang mga mata. “Anong ginawa mo doon? Akala ko b

