“P—Paano na ako nito, Sir Ben? Buntis pa naman ako, alam mo naman na ayaw ako panagutan ng ama nito, dahil may pamilya din pala sa ibang bansa ang doktor na ‘yun,” umiiyak na sabi ni Emily sa akin. Habang pinagmamasdan ko ito, noong una si Jevie talaga ang nakita ko dito. Dahil masipag ito sa probinsya. Kahit isang nurse na ito, kung ano-ano pa rin ang binebenta. Dahil panganay ito sa tatlong magkakapatid at nag-aaral pa ang dalawa nitong nakababatang kapatid. Ang mga magulang ng babae ay nakikisaka lang at schoolar ito ng konsehal, kaya't nakapagtapos. Pero kanina, habang lumuluha ito na nakatitig sa aming ginagawa ni Jevie, kitang-kita ko ang matalim na tingin nito kay Jevie. Doon ko lang naisip, na tama nga si Jevie ng pakiramdam dito. At oo nga! Ang damit nito na suot, ngayon ko la

