Ang bango ng niluluto kong sinigang na baka. Parang nangangako na ng masarap na tanghalian. Nakanta-kanta pa ako habang inaayos ang mga pinggan sa mesa nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod.
“Mahal,” bulong ko, dahil sa nagulat ako. Akala ko si Uncle Ken, ang bisita namin. Nawala kasi ang lalaki sa kinauupuan niya.
Nabuga ako ng hangin ng paglingon ko, si Brayell pala, ang boyfriend ko. Nararamdaman ko ang hininga nito sa aking tenga.
“Bakit parang gulat na gulat ka? May iba ka bang inaasahan na yayakap sayo?” tanong nito na nakanguso. Parang nang-aasar ang pa boses.
“Wala! Akala ko lang naliligo ka pa. Doon ka na kay Uncle Ken mo. Nakakahiya naman nandito ka, malapit na ito maluto,” sagot ko.
Ramdam ko na namumula ang aking pisngi, dahil sa nagulat talaga ako. Hinalikan lang ng aking kasintahan ang aking ulo ng mabilis at magaan, bago bumitaw sa pagkakayakap sa aking bewang at lumapit kay Daddy Ken sa sala.
Palagi kasing awkward kapag kasama namin ang isa sa magkapatid na Williams. Parang sinusuri nila ako, nakatingin ng mabuti. Si Daddy Ken lalo na, parang nasa ilalim ako ng microscope.
“Halina kayo! Kain na tayo, nagugutom na ako,” aya ko, pilit na tinatanggal ang kaba. Biglang sumulpot si Brayell, nakangisi. Pinalo niya ako sa puwit, tapos pinisil.
“Love!” saway ko, namumula na naman ako dahil sa hiya. Nasa tabi lang si Uncle Ken! Ang landi ni Brayell, parang walang ibang tao na kasama.
“Bakit ba? Si Uncle Ken lang yan, wala kang dapat ikahiya,” sagot nito, parang wala lang sa kanya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na ako, sa paghahanda ng pagkain.
Habang kumakain, hindi ko maiwasang makaramdam na nakatingin sa amin si Daddy Ken, lalo na sa akin. At si Brayell naman, parang sinasadya pang magpakita ng atensyon sa akin.
“Ang sarap mo magluto, baby girl. Sakto ang asim at ang lapot. Nadudurog sa bibig ko ang baka, dahil sa lambot” puri ni Daddy Ken, parang masarap na masarap ang kinakain niya.
Tinaasan siya ng kilay ni Brayell. “Uncle, hindi ka pala kumakain ng baka ah? Bakit ngayon kumakain ka na? Sabi mo dati, you don't like the grease and the taste of beef?”
Tumawa si Uncle Ken. “Exactly! Pag si baby Jevie ang nagluto, masarap. Walang langsa.” Parang may iba sa tono niya, parang masyadong OA ang papuri niya. Pakiramdam ko, namula na naman ako.
“Nako! Salamat po, Uncle Ken,” nahihiya kong sagot.
Si Brayell naman, hindi nagpahuli. “You haven't tasted Jevie's beef kare-kare, tuwalya ng baka ba ‘yun love ‘no? Nako! Sigurado na mapapahingi ka ng extra rice. Then, the beef caldereta. Ay grabe Uncle Ken! The taste of the peanuts is a real bite. Nagtatakam tuloy ako.”
Nakatitig lang si Daddy Ken sa akin, nakangiti ng nakakaloko. “Pwede ba na ipagluto mo ako, baby Jevie? Nagtatakam ako sa mani mo…ng kaldereta,” sabi nito, na para bang may ibang kahulugan ang mga salita nito.
Nahihirapan akong lunukin ang sabaw sa pagkain ko, parang hindi papuri ang narinig ko kundi parang…panunukso. Si Brayell, parang wala lang, patuloy lang sa pagkain.
“S–Sige po Daddy Ken, padadalhan na lang kita. Pag namalengke si Brayell,” sagot ko, halos pabulong na lang. Tumango lang ang matanda at kumindat sa akin.
Napangiti ako, halo-halo ang nararamdaman ko. Natutuwa, kinakabahan, at naguguluhan. Ang pagiging malambing ni Brayell, ang pagiging possessive niya, at ang intense na atensyon ni Daddy Ken – parang ang hirap ipaliwanag.
Pagkatapos ng tanghalian, umalis na si Uncle Ken, naiwan kami ni Brayell, at ang nakakabinging katahimikan na puno ng di-nasabi at di-nakikitang pagnanasa. Parang hindi pa tapos sa araw na ito.
“Nagseselos ako,” napalingon ako kay Brayell.
Nilalamas nito ang isa kong dibdib habang nakahiga kami. Nagbabasa ako ng mga comments sa faceb**k account ko, pampatulog.
“B—Bakit?” tanong ko dito.
“Pakiramdam ko, may gusto sayo si Uncle at si Daddy. Ewan ko ba! Basta, alam ko may kakaiba ‘e.” hindi ako umimik. Ayaw ko magkamali ng sagot. Baka kasi mas magselos pa ito o baka naman magalit pa, kapag hindi tama ang masabi ko.
“Oh! Bakit hindi ka makapagsalita?” nakanguso at parang bata na tanong nito.
“Ano ang sasabihin ko? Parang hindi naman,” sagot ko dito, na alam ko sa sarili ko na merong kakaiba sa magkapatid na Williams.
“Kung sabagay, maganda ka, sexy, mabait, magaling magluto, tapos loyal pa. Baka naiinggit sila sa akin. Sila kasi, mga playboy ‘e.” nabaon ako sa pag-iisip.
Pilit ko na inaalis sa isip ko ang sinabi kanina ni Daddy Ken. Ang pagkakadeliver niya ng salita na gusto niya matikman ang mani, ng caldereta. Na para bang ako ang gusto niya matikman.
“Love, gwapo ba si Daddy at Uncle?” tanong ni Brayell na ikinakunot ng aking noo.
“Anong klase na tanong ‘yan?” tanong ko sa aking kasintahan.
“Wala! Hayaan na lang nga natin. Mahalaga, ako ang mahal mo. Mamatay sila sa inggit!” sabi pa nito na tumatawa.
Naramdaman ko na tumigil na sa pagpisil si Brayell. Paglingon ko, nakatulog na pala ito. Huminga ako ng malalim, dahil sa tagal namin, nakaramdam din ito. Alam din naman niya na hindi ako palagay pag nandoon ako sa bahay nila. Sinabi ko na yun noon na para bang may nakatingin sa akin.
Pero ang sabi niya, safe daw ang bahay at wala naman daw doon mumu. Kaya hindi ko na binanggit pa ang tungkol doon. Nakaraan lang, sinabi niya na isinara niya ang pinto, pero bukas ng lumabas ako.
May time pa nga na natulog ako doon. Nag-inuman sila noon. Lasing na lasing si Brayell, ang pagkakatanda ko, nakabalot ako ng kumot ng matulog, paggising ko nasa sahig na ang kumot. Knowing na hindi ako malikot matulog.
Ang nakakagulo isipin, hindi ako sanay may suot na damit kapag natutulog, kaya sigurado ako na kita ang buong katawan ko, kung may pumasok na ibang tao.
Meron din pagkakataon na hindi ko alam kung bakit may kakaibang pabango sa loob ng silid ni Brayell. Amoy ni Daddy Ben, samantalang sabi ng kasintahan ko, hindi naman pumapasok ang kanyang ama sa silid nito.
May beses din na nawawala ang panloob ko sa kwarto, hinanap ko na pero hindi pa rin namin nakita. Tumatawa pa si Brayell, dahil baka tinangay na daw ng daga. Sa bahay ko, pag dito nangyari, maniniwala pa ako. Pero sa kanila? Na may halos sampu na maids? Imposible!
Naiiling na lang ako na inalis sa isip ko ang mga bagay-bagay. Dahil may trabaho pa ako bukas at wala naman mangyayari kung mag ooverthink lang ako sa mga bagay na walang sagot.