Brayell (POV) Matapos kong ihatid si Jevie sa kanyang bahay, dali-dali akong bumalik sa amin. Naabutan ko sina Mommy at Daddy Benjamin na magkausap. Ilang sandali lang, dumating na rin si Uncle Miguel para sunduin si Mommy. Tuwang-tuwa siya kay Jevie. Mukhang gusto niya ito para sa akin at hindi siya tutol sa balak naming pagpapakasal. Bumaba si Uncle Ken mula sa hagdan. "Hindi ako makatulog," aniya. "Tagay tayo? Pampatulog lang," nakangiting anyaya ko sa kanya. Nagtungo ako sa bar ng bahay. Maya-maya, dumating din si Daddy. Binigyan ko sila ng tig-isang baso na may yelo. "Bottoms up!" sigaw ko. Malamig na alak ang ininom namin. "Uncle, gusto mo ba si Jevie?" tanong ko kay Uncle Ken. Halata ang pagkagulat sa mga mata niya. "Ikaw naman, Daddy? Gusto mo ba ang fiancé ko?" tanong k

