Dalawang araw kami nanatili sa bahay ng aming mga magulang. Pero ng pauwi na, nakita ko ang professor ko na nakatayo sa harap ng isang bahay na medyo may kalumaan na. Napangiti ako sa aking naisip. “Dito na lang ako bababa!” sabi ko sa driver namin na akala siguro nagbibiro ako. Kaya paghinto ng sasakyan, agad akong bumaba. Pero hindi pa ako nakakalapit, gumewang na ito. “Sir!” malakas na sigaw ko, mabuti na lang at mabilis ko napigilan ang pagtumba nito. “Annabel,” mahina na tawag nito sa akin. “Nakainom po yata kayo?” tanong ko dito, habang tinutulungan na humakbang, nakaalalay ako sa braso nito. Habang hindi ko maiwasan na hindi mapatitig sa biceps nito. “Yeah! Galing ako sa bar, malapit lang naman. My home is just there, don't worry about me, go home now. It's late at night.”

